Madam Inutz, may bagong hairstyle; pinaghandaan ang lock-in taping nila ni Piolo Pascual

Madam Inutz, may bagong hairstyle; pinaghandaan ang lock-in taping nila ni Piolo Pascual

- Ibinahagi ni Madam Inutz ang kanyang bagong hairstyle ilang araw matapos na lumabas sa Bahay ni Kuya

- Ito raw ay ang kanyang paghahanda sa lock-in taping kung saan makakasama raw niya si Piolo Pascual

- Sa paglabas niya sa 'Pinoy Big Brother' house, sunod-sunod na ang mga guestings ni Madam Inutz

- Inaasahan na marami na itong mga naka-line up na proyekto na pagsisimula ng mga bagong oportunidad para sa kanyang career

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

New year, new look si Madam Inutz at ipinakita nga niya sa kanyang mga fans ang kanyang bagong hairsytle.

Nalaman ng KAMI na ilang araw matapos na siya ay tuluyan nang lumabas sa Bahay ni Kuya ay tuloy-tuloy pa rin ang kanyang mga guestings at appearances sa ilang mga Kapamilya shows.

Madam Inutz, may bagong hairstyle; pinaghandaan ang lock-in taping nila ni Piolo Pascual
Madam Inutz kasama ang manager niyang si Wilbert Tolentino (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

At ang bago at bonggang hairstyle nga ni Madam Inutz ay bilang paghahanda raw niya sa lock-in taping kung saan makakasama niya si Piolo Pascual.

Read also

BB Gandanghari, inalmahan ang mga aniya'y nakikialam sa kilay niya

"BAGONG AWRA NI INUTZ NYO‼️ OOOOW...JIIIIEVA... NAKAKAHIYA TUMABI KAY PAPA PIOLO PAG MAG LOCK-IN TAPING TAPOS HAGGARDO VERSOZA INUTZ NYO,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, mas lalong na-excite ang kanyang mga fans at supporters dahil nangangahulugan lamang na mas madalas pa rin nilang mapapanood si Madam at mukha raw sunod-sunod pa rin ang mga proyekto nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang sosyal lalo Madam Inutz, fresh na fresh ka sa awra mo na 'yan!"

"Celebrity na talaga si madam. Excited na po akong mapanood kayo ni Papa P!"

"Ang bongga ni Madam bigla ko po kayo na-miss sa PBB house"

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Madam Inutz, nag-post ng picture kasama si Chie Filomeno

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Kabilang na si Madam Inutz sa Final 5 ng Pinoy Big Brother Celebrity edition Season 10 kung saan dalawa ang hinirang na Big winners na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Isa sa mga kontrobersiyang hinarap ni Madam Inutz sa loob ng bahay ni Kuya ay ang pahayag niya sa nominasyon kung saan dalawang puntos ang naibigay niya noon kay Chie Filomeno dahil sa wala umano itong ibang ginawa kundi ang magpaganda.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel