Madam Inutz, nag-post ng picture kasama si Chie Filomeno

Madam Inutz, nag-post ng picture kasama si Chie Filomeno

- Muling nagkasama-sama ang mga Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity housemates sa kanilang guesting sa ASAP Natin To

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Nagbahagi si Madam Inutz ng video nilang magkakasama kabilang na ang housemate na si Chie Filomeno

- Matatandaang naging usap-usapan ang pahayag ni Madam Inutz kay Chie kaugnay sa kanyang dahilan kung bakit niya ito ni-nominate sa eviction

- Samantala, nilinaw ni Madam Inutz na noong mga panahong iyon ay wala na siyang ibang masabi na dahilan sa kanyang pag-nominate kay Chie

Ikinatuwa ng ilang netizens ang binahaging Instagram post ni Madam Inutz kung saan nakasama niya si Chie Filomeno. Muling nagkasama-sama ang mga Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity housemates sa kanilang guesting sa ASAP Natin To.

Madam Inutz, nag-post ng picture kasama si Chie Filomeno
Madam Inutz (@Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Nagbahagi si Madam Inutz ng video nilang magkakasama kabilang na ang housemate na si Chie Filomeno. Matatandaang bago tuluyang lumabas si Chie, naging usap-usapan ang sinabing dahilan ni Madam Inutz kung bakit niya binigyan ng puntos para sa nominasyon si Chie. Aniya, wala itong ambag kundi ganda lang.

Kasunod nito ay umalma ang kapatid ni Chie sa panghuhusga umano ng mga tao sa kanyang kapatid gayong hindi naman nila lubusang kilala si Chie.

Samantala, nilinaw ni Madam Inutz na noong mga panahong iyon ay wala na siyang ibang masabi na dahilan sa kanyang pag-nominate kay Chie.

Si Daisy Lopez o Madam Inutz ay isang online seller na sumikat nang todo sa social media dahil sa kakaibang paraan niya ng pagbebenta ng mga ukay-ukay niyang paninda.

Lalong dumami ang kanyang tagasubaybay matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media kabilang na ang pagbenta niya ng aniya'y damit na pamburol. Sa kabila ng mga libo-libong viewers ay walang bumibili sa kanyang mga paninda. Kinalaunan, ito naman ang naging daan para sa mas makilala siya at nagbukas ng magagandang opportunidad para sa kanya.

Matatandaang nauna na siyang pumirma ng kontrata sa isang talent agency. Gayunpaman, marami sa kanyang mga tagasuporta ang hindi nagustuhan ang kanyang desisyon at umalma. Kaya naman nakapagpasya siyang huwag nang ituloy ang pagpapa-manage sa nasabing agency at napili niya si Wilbert Tolentino bilang maging manager niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel