Jam Magno sa controversial post ni Darryl Yap: "I think he's my new best friend"

Jam Magno sa controversial post ni Darryl Yap: "I think he's my new best friend"

- Nagbigay ng pahayag ang online personality na si Jam Magno kaugnay sa viral post ni Darryl Yap

- Ayon kay Magno, 'new best friend' na raw niya si Yap gayung pareho umano sila ng paniniwala

- Pareho ring supporters ng Uniteam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang dalawa

- Kamakailan, binalaan din ni Magno ang umano'y mga bumabatikos kay Toni Gonzaga sa pagsuporta nito sa BBM-Sara tandem

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Binigyang puri ng kilalang online personality na si Jam Magno ang director at content creator na si Darryl Yap kaugnay sa kontrobersyal na post nito kamakailan.

Jam Magno sa kontrobersyal na post ni Darryl Yap: "I think he's my new Best friend"
Photo: Jam Magno
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na 'new best friend' na raw ni Magno si Yap dahil sa post nito kung saan hayagan nitong kinontra di umano ang tungkol sa 18 hours a day na pagtatrabaho.

Read also

Atty. Guanzon, ikinuwento ang naranasan sa ama kaya galit umano siya sa mga magnanakaw

"So I didn't know who Direk Darryl Yap was until Mark Lopez posted about him. And I think he's my new best friend. So he is actually the one, the genius behind Vincentiments. Although I've watched Vincentiments' and of course 'Len-Len' parody is like genius," panimula ni Magno sa kanyang mahigit na dalawang minutong video.

Sa kanyang pagpapatuloy, binanggit din ni Magno ang mga pagkakapareho umano nila ng paniniwala ni Yap at ng kanilang sinusuportahan na sina presidential aspirant Bongbong Marcos at ka-tandem nito sa pagka-bise presidente na si Sara Duterte.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"So to Direk Darryl Yap, you are a genius!," dagdag pa ni Magno.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Jam Magno ay nakilala sa kanyang TikTok videos kung saan kadalasan ay pinagtatanggol niya ang kasalukuyang pamahalaan ni Presidente Rodrigo Duterte laban sa mga kritiko.

Read also

Jam Magno, sinabing 'one of the best things' ang desisyong paglisan ni Toni Gonzaga sa PBB

Kamakailan, buong-tapang niyang ipinagtanggol si Toni Gonzaga partikular na sa mga celebrity bashers nito. Ito ay matapos na mag-host si Gonzaga ng Uniteam proclamation rally kung saan naipakilala rin niya si Rodante Marcoleta, ang isa umano sa nagdiin na huwag nang bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, ang network na kinabibilangan ni Gonzaga.

Aniya, 'one of the best things' din daw ang desisyon ni Gonzaga na paglisan sa Pinoy Big Brother matapos ang 16 na taon na pagiging main host gayung maari umano itong maging spokesperson ng pinaniniwalaan nilang susunod na presidente.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica