Jam Magno sa mga celebrity na umano'y bumabatikos kay Toni G: "Sino ba kayo?"
- Naglabas ng saloobin ang online personality na si Jam Magno patungkol sa mga bumabatikos kay Toni G
- Sa kanyang video, pinatutsadahan niya ang isa rin umanong Kapamilyang may initials na DC na naghayag umano ng pagkadismaya kay Toni
- Binalaan niya rin ang mga umano'y nang-aaway at balak mang-away kay Toni na hayagan nang nagbigay ng kanyang suporta sa BBM-Sara tandem
- Matatandaang kontrobersyal ngayon si Toni Gonzaga sa mga sunod-sunod na pangyayari mula nang maging host siya ng proclamation rally ng UniTeam sa Philippine Arena
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pinatutsadahan ng online personality na si Jam Magno ang umano'y isa ring Kapamilya na bumatikos kamakailan kay Toni Gonzaga.
Nalaman ng KAMI na sa kanyang video, may caption ito na "HU U DC?" na pinaniniwalaan ng marami na si Dawn Chang.
Matapos na ilabas ni Toni ang opisyal niyang pahayag sa paglisan niya sa Pinoy Big Brother, isa umano si Chang sa umalma sa naging desisyon ng kilalang TV host.
"Disappointed ka kay Toni G pero 'di namin kilala kung sino ka bilang artista. Disappointed ka kay Toni G may mga pinagsasasabi ka pero 'di kami nagreklamo na sa noontime show hindi ka makasabay sa stepping ng grupo niyo,"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"'Day, 'wag kang magkamali na away-awayin si Toni G kung hindi mo naman kaya ang kaya niya 'day"
"Napakapangit kasi na ko-comment comment kayo kay Toni G my gosh, she is an institution within your institution that closed down"
"What makes you think that we will care about what you think, sino ba kayo?" ang ilan sa mga naging pahayag ni Jam.
Narito ang kabuuan ng video:
Si Jam Magno ay nakilala sa kanyang TikTok videos kung saan kadalasan ay pinagtatanggol niya ang kasalukuyang pamahalaan laban sa mga kritiko.
Kamakailan ay naglabas din ng saloobin si Jam sa pagsuporta naman niya kay senatorial candidate na si Robin Padilla. Aniya, kinakitaan niya ng kasipagan si Robin sa pagtulong kamakailan na isinakripisyo ang Pasko at Bagong Taon noong nakaraang taon para lang tuloy-tuloy ang pagtulong sa nasalanta ng Bagyong Odette.
Suportado rin daw niya ang pagnanais ni Robin na magkaroon ng kapayapaan sa Mindanao at si Robin ang magiging boses ng mga kapatid na Muslim sa senado.
Source: KAMI.com.gh