Sylvia Sanchez, todo puri si Zanjoe ngunit ayaw pa umanong mag-asawa si Ria

Sylvia Sanchez, todo puri si Zanjoe ngunit ayaw pa umanong mag-asawa si Ria

- Nakapanayam ni Alona Sasam ang mag-inang aktres na sina Sylvia Sanchez at Ria Atayde

- Marami-raming nabanggit si Sylvia tungkol sa anak lalo na sa umano'y relasyon nito kay Zanjoe Marudo

- Todo puri nito ang aktor na nilarawan niyang 'mabait at marespeto' kaya namang gustong-gusto niya ito para sa anak

- Gayunpaman, nabanggit din ng batikang aktres na ayaw pa umano niyang mag-asawa si Ria

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isang masayang interview ang naganap nang makapanayam ni Alona Sasam ang mag-inang sina Sylvia Sanchez at Ria Atayde sa ABS-CBN Christmas Special 2022.

Sylvia Sanchez, todo puri si Zanjoe ngunit ayaw pa umanong mag-asawa si Ria
Sylvia Sanchez (@ria)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na maraming naisiwalat si Ria sa ina gayundin si Sylvia sa anak lalo na sa relasyon umano nito kay Zanjoe Marudo. Matatandaang si Sylvia pa umano ang nagkumpirma nito na ikinatuwa naman ng marami.

Todo puri niya ang 'Broken Marriage Vow' actor na nilarawan niyang mabait at marespeto.

Read also

Detalye ng burol ni Jho Rovero, ibinahagi ng kanyang ina

"Mabait si Z... Marespetong bata. Gustong-gusto ko siya," ani Sylvia kaya naman masaya siya para sa kanyang anak.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Gayunpaman, nabanggit din nito na ayaw pa sana niyang mag-asawa si Ria.

"Hangga't maari, ayaw ko muna siyang mag-asawa talaga. Actually 'yung paglipat niya ng bahay, big deal 'yun kasi siya 'yung ano... 'Di namin siya mapakawalan kasi like mag-abroad kami, siya yung naka-ano na mom, dad ito itinerary natin. Plantsado lahat," paliwanag pa nito.

Narito ang kabuuan ng makulit na panayam ni Alona sa mag-inang Sylvia at Ria:

Sa rebelasyon ng aktres na Sylvia Sanchez sa relasyon na anak niyang si Ria Atayde kay Zanjoe Marudo, isa si Cristy Fermin sa mga nagbigay ng positibong komento ukol dito.

Sa isang episode ng Showbiz Now Na! Nasabi ng mga hosts na sina Romel Chika at Morly Alinio na tila blooming si Ria at maging si Zanjoe ay napakaganda umano ng aura.

Read also

Zeinab Harake, sumang-ayon sa post ni Donnalyn Bartolome tungkol sa di pakikipagbalikan sa ex

Sinang-ayunan naman ito ni Cristy at sinabing masaya sila para sa dalawa.

Matatandaang sa pagpunta ng tambalang Kathniel sa Japan kamakailan, kasama rin nila si sina Ria at Zanjoe. Gayundin si Joshua Garcia na sinasabing walang partner sa lakad ng magkakaibigan na talagang labis naman umano nilang na-enjoy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel