Detalye ng libing ng misis ni Andrew Schimmer, inilabas na ng ina nito

Detalye ng libing ng misis ni Andrew Schimmer, inilabas na ng ina nito

- Naglabas na ng detalye si Josephine Penaranda ukol sa libing ng anak na si Jorhomy Rovero

- Sinasabing magkakaroon ito memorial service upang gunitain ang ang buhay ni Jho

- Disyembre 20 nang kumpirmahin ni Andrew Schimmer ang pagpanaw ng kanyang misis

- Marami naman ang humanga sa bunsong anak nila na siyang nagbibigay lakas sa pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isinapubliko na ni Josephine Penaranda ang tungkol sa libing ng anak niyang si Jorhomy 'Jho' Rovero, ang partner ni Andrew Schimmer.

Detalye ng libing ng misis ni Andrew Schimmer, inilabas na ng ina nito
Andrew Schimmer kasama ang kanyang pamilya (The Schimners)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa kanyang socmed post, nabanggit ni Josephine na magkakaroon muna ng memorial service bago tuluyang ihatid sa huling hantungan si Jho sa Disyembre 30. Biyernes.

"Death leaves a heartache no one can heal, Love leaves a memory no one can steal," ang bahagi ng post ni Josephine.

Read also

Andrew Schimmer, labis na naghihinagpis at nagungulila sa kanyang asawa

Kamakailan, Aminadong naiyak at naging emosyonal si Josephine sa naging birthday wish ng kanyang apo na si Xander.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa pagkumpirma ni Andrew Schimmer ng pagpanaw ng misis, nabanggit din nito na iyon ang araw ng birthday ng bunsong anak nilang si Xander.

Dahil dito, nag-birthday si Xander sa unang araw ng burol ng kanyang ina.

"Hindi ko kinaya wish ng apo ko, naiyak ako," pahayag ni Josephine sa kanyang post gayung halos paulit-ulit na sasabi ng apo sa kanyang wish na nais pa rin niyang makasama ang ina at kung gaano niya ito kamahal.

Si Andrew Schimmer ay isang aktor at modelo sa bansa na muling napag-usapan sa social media nang buong tapang itong humingi ng saklolo para sa pagpapagamot sa misis na nagkaroon ng asthma attack na kalauna'y sinundan ng brain hypoxia noong Nobyembre 2021.

Read also

Bunsong anak ni Andrew Schimmer, nagpapalakas sa amang nilarawan niyang "really sad"

Kamakailan, tila nagpahiwatig si Andrew ng kasal kay Jho nang ipakita niya ang larawan ng singsing at ilang emojis na patungkol sa kasalan.

Ilan minuto bago nga kinumpirma ni Andrew ang pagpanaw ng misis, ibinahagi muna niya ang larawan ng kanilang mga kamay na mayroong couple rings.

Samantala, isang buwan lamang halos ang nakalilipas nang ialay naman ni Andrew kay Jho ang natanggap niyang Asia's Most Inspiring actor and Model of the Year mula sa 6th Asia-Pacific Luminare Award na ginanap noong Nobyembre 23 sa Okada, Manila. Dumiretso talaga siya sa ospital upang ihandog ito kay Jho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel