Cristy, sa umano'y isyu ni Lolit kay Bea; "May damdamin din ang ibang tao"

Cristy, sa umano'y isyu ni Lolit kay Bea; "May damdamin din ang ibang tao"

- Nagbigay pahayag sina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika kaugnay sa umano'y pamumuna ni Lolit Solis kay Bea Alonzo

- Ito ay matapos na magsalita ng manager ni Bea na si Shirley Kuan ukol sa sinasabing pambu-bully ni Lolit Solis sa aktres

- Taon na umano ang itinagal ng halos araw-araw na patutsada ni Lolit Solis sa Start up PH actress

- Sa kabilang banda, inamin naman ni Cristy ang pagkaantig ng kanyang puso sa naging komento naman ni Bea kay Lolit

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na rin si Cristy Fermin kaugnay sa madalas na pamumuna ni Lolit Solis kay Bea Alonzo.

Cristy, Morly at Romel, nagbigay pahayag ukol sa umano'y pamumuna ni Lolit Solis kay Bea Alonzo
Cristy Fermin (Showbiz Now Na)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na marami ang naghihintay ng pahayag ni Cristy na kilala bilang kasamahan ni Lolit sa pagiging showbiz writer at reporter.

Read also

Cristy Fermin, ibinahagi ang umano'y reaksyon ni Bea kay Lolit: "I wish her well"

Aminado si Cristy na mabigat man sa kalooban nila ang magsalita ukol sa issue subalit dala ng pagkakataon, nais na rin niyang magbigay opinyon sa mga nangyayari kina Lolit, Bea at sa manager ng aktres na si Shirley Kuan.

"Ito po mga ka-chika mga kapatid ay sasalatin naming tatlo na may mabigat na puso. Dahil kasama po namin sa aming trabaho ang dalawang tao na tatalakayin namin kung ano ang nagaganap sa kanila ngayon. Ang tinutukoy namin ay sina Manay Lolit Solis at manager ni Bea Alonzo na si Shirley Kuan," bungad ni Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Alam ko po na hinihintay ninyo ang magiging stand namin o tayo o posisyon tungkol sa nagdidigmaang panig nina Manay Lolit Solis at Shirley Kuan at Bea Alonzo."

Naibahagi rin ni Cristy ang naging payo niya umano kay Lolit kapag tumatawag daw ito sa kanya para magbigay update sa kanyang kalusugan.

Read also

Andrew Schimmer sa pagbabalik ICU ng misis; "God please protect her, I will do anything"

"'Wag ka nang bibili ng stress... Lalo na ikaw may dinaramdam ka ngayon. 'Wag ka nang bibili ng stress. Bawal na bawal 'yan. 'Yun ang lagi kong payo... Tigilan mo na itong kay Bea Alonzo" ani Cristy sa nasabi niya kay Lolit Solis.

"Ito pong pambu-bully na tinatawag ni Manay Lolit kay Bea hindi lang po minsan, makalawa makatatlo. Mag-iisang taon na po ito. Sabi mo nga ang pamumuna, may hangganan. Kapag-araw-araw na pong ginagawa ang pamumuna, pambu-bully pamimintas at kung ano-ano pang negativity, napakasakit na 'nun. Talaga pong magbibigay na ng reaksyon ang panig ng tinatamaan," ang bahagi ng pahayag ni Cristy.

Samantala, aminado naman si Cristy na labis siyang humanga kay Bea na piniling hindi na lamang magkomento sa halos isang taon na umanong patutsada sa kanya ni Lolit Solis lalo na nang siya ay lumipat sa GMA at maging isang ganap na Kapuso Star.

"Meron na namang nagtanong, suson sa unang tanong. May sakit na nga siya pero binu-bully ka pa rin at binibira ka. Sabi niya, ito e totoo man o hindi, sinsero man o pabalat bunga lang. Sumuntok sa'kin. All the more, I will not answer. May sakit pala siya. I wish her well," pagbabahagi ni Cristy sa naging pahayag umano ni Bea nang matanong ito ng press sa Start Up PH press conference.

Read also

Andrew Schimmer sa lagay ng misis; "High fever and vomiting siya ngayon"

Narito ang kabuuan ng mga naging pahayag nina Cristy, Morly Alino at Romel Chika mula sa YouTube channel nilang Showbiz Now Na!:

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Matatandaang minsan nang pinuri ni Cristy si Bea sa paghawak nito ng kanyang pera at mga ari-arian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel