Komedyanteng si Pretty Trizsa, aminadong nalulong sa bisyo at naging homeless

Komedyanteng si Pretty Trizsa, aminadong nalulong sa bisyo at naging homeless

- Matapang na isiniwalat ni Pretty Trizsa ang naging buhay niya matapos malulong sa ipinagbabawal na gamot

- Ito ang naging dahilan bakit siya naging isang palaboy kalaunan dahil hindi na siya nakapagtrabaho ng maayos

- Naikwento pa niyang sa kasagsagan ng pandemya at enhanced community quarantine, isa siya sa mga nasa labas pa rin dahil wala siyang tahanan

- Sa ngayon, excited na si Pretty Trizsa sa kanyang pagbabalik gayung makapagpapasaya muli siya ng mga tao

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa Ogie Diaz inspires channel nagbigyan ng pagkakataon ang komedyanteng si Pretty Trizsa na maisalaysay ang nangyari sa kanyang buhay matapos na malulong umano sa droga.

Komedyanteng si Pretty Trizsa, aminadong nalulong sa bisyo at naging palaboy
Pretty Trizsa (Ogie Diaz Inspires)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na matapang na inilahad ni Trizsa ang kanyang pinagdaanan buhat nang tuluyang maapektuhan ng droga maging ang kanyang trabaho.

Ito ang dahilan kung bakit, nawalan siya ng tirahan gayung wala na rin kasi siyang pambayad dito.

Read also

Kristel Fulgar at Big Boss, kinakiligan sa mala K-drama na na date sa Han River at movie date

Naging palaboy si Trizsa na binibigyan din umano ng leksyon ng kanyang mga kapatid na kalaunan ay tumulong din sa kanya sa pagpapa-rehab.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binalikan din niya ang pagkakataong nag-lockdown ang karamihan ng lugar dala ng pandemya subalit siya, bilang walang tirahan ay nanatili sa kalsada.

Naroong namalimos siya at nakaisip pa rin na magpatawa kahit nasa kalye para lamang mayroon siyang pambili ng makakain.

Hindi naman niya malilimutan ang minsan siyang pagdudahan ng mga dati niyang kasama sa comedy bar na baka umano siya'y magnakaw. Aminadong sumama ang loob niya dahil dito.

"Tinatago nila 'yung bag nila... 'Yung tingin nila sa akin dahil nanghihingi ako dahil adik ako. Hindi lahat ng adik magnanakaw. Ang sakit," emosyonal na pahayag ni Trizsa.

Sa ngayon, matapos na malagak sa rehabilitation center, excited si Trizsa na magbalik sa pagpapatawa sa publiko sa ikalawang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Read also

Ogie Diaz, tinatanaw na utang na loob na naging manager ni Liza Soberano

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

Si Pretty Trizsa o Ronaldo Celso sa totoong buhay ay isang komedyante sa bansa. Minsan siyang nakilala bilang isa sa mga impersonator ni Mariel Rodriguez kaya tinagurian siyang 'clone' nito.

Samantala, marami na ring mga kilalang personalidad ang nagbigay inspirasyon sa publiko nang makapanayam sila ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

Isa sa mga naging panauhin niya kamakailan ay si Andrew Schimmer kung saan nito nailahad ang nangyari sa kanyang misis na si Jho Rovero. Dahil sa interview na ito ni Ogie kay Andrew, dumagsa ang tulong sa pamilya Schimmer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel