Kristel Fulgar at Big Boss, kinakiligan sa mala K-drama na na date sa Han River at movie date

Kristel Fulgar at Big Boss, kinakiligan sa mala K-drama na na date sa Han River at movie date

- Binahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang vlog ang kanilang pamamasyal sa Han River at panunuod ng sine kasama si Big Boss

- Sinabihan ni Kristel na huwag magdala ng kotse si Big Boss para masubukan umano nitong sumakay sa bus

- Samantala, marami ang kinilig nang ilagay ni Kristel bilang background music ang awitin ng kaibigan niyang si Nikki Bagaporo na pinamagatang "Kailan"

- Marami ang kinilig dahil kung pagbabasehan umano ang kanta ay tila may pahapyaw si Kristel tungkol sa relasyon nila ni Big Boss

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan sina Kristel Fulgar at Big Boss sa binahaging bagong vlog ni Kristel. Bukod sa kanilang pagpunta sa Han River ay nanuod din sila ng movie at marami ang nagsasabing mala-K-drama ang date ng dalawa.

Kristel Fulgar at Big Boss, kinakiligan sa mala K-drama na na date sa Han River at movie date
Kristel Fulgar at Big Boss, kinakiligan sa mala K-drama na na date sa Han River at movie date (@kristelfulgar)
Source: Instagram

Hindi naman nagdala ng sasakyan si Big Boss dahil ayon kay Kristel, gusto niyang maranasan nito na sumakay sa bus kagaya ng pangkaraniwang tao.

Read also

Sharon Cuneta, binahagi isang virtual tour sa kanilang farmhouse

Marami ang kinilig nang ilagay ni Kristel bilang background music ang awitin ng kaibigan niyang si Nikki Bagaporo na pinamagatang "Kailan." Marami ang kinilig dahil kung pagbabasehan umano ang kanta ay tila may pahapyaw si Kristel tungkol sa relasyon nila ni Big Boss.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

I GUESS THE SONG SAYS IT ALL! Lalo na yung body language and how they treat each other Kahit di umaamin, apaw apaw naman yung kilig namin sainyo!
The fact that he had 9 meetings for the day and super tired but still make time for her huhu! And song fits perfectly for them!!! Huhu Amin na kayo pls!
Naiiyak ako sa kilig actions speaks louder than words im happy for you kristel and bigboss certified pang kdrama sa kilig mga 10 times ko na naman tong uulit ulitin panoorin

Read also

MG, gustong paalisin si Paye Galang: "Patalsikin si Paye sa Toro fam house"

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Matatandaang muling nakasama ni Kristel ang "Maria Flordeluna" co-star niyang si Eliza Pineda sa kanyang bagong vlog. Siya din umano ang pinakaunang naging kaibigan ni Kristel sa showbiz dahil hindi umano ito mayabang kagaya ng ibang batang artista na nauna sa kanya. Sabay nilang pinanuod ang isang eksena sa "Maria Flordeluna" at sinubukan nilang gayahin ang kanilang ginawa doon. Muli din nilang binalikan ang kanilang kabataan nang isa-isa nilang tiningnan ang mga pictures nila noon na magkasama.

Sa isang vlog ni Kristel, pinakita niya ang kanyang pagbiyahe papuntang South Korea. Sinundo siya ni Yohan Kim, o mas kilala sa bansag na Big Boss, ang CEO ng isang kilalang skincare brand na ni-launch sa Pilipinas noong 2018. Makikita sa naturang video ang kasiyahan nilang dalawa na muli silang nagkita nang personal matapos ang ilang taong pandemya. Marami naman sa viewers niya ang kinilig sa muli nilang pagsasama.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel