Kristel Fulgar, muling nakasama ang "Maria Flordeluna" co-star niyang si Eliza Pineda

Kristel Fulgar, muling nakasama ang "Maria Flordeluna" co-star niyang si Eliza Pineda

- Muling nakasama ni Kristel Fulgar ang "Maria Flordeluna" co-star niyang si Eliza Pineda sa kanyang bagong vlog

- Siya din umano ang pinakaunang naging kaibigan ni Kristel sa showbiz dahil hindi umano ito mayabang kagaya ng ibang batang artista na nauna sa kanya

- Sabay nilang pinanuod ang isang eksena sa "Maria Flordeluna" at sinubukan nilang gayahin ang kanilang ginawa doon

- Muli din nilang binalikan ang kanilang kabataan nang isa-isa nilang tiningnan ang mga pictures nila noon na magkasama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Kristel Fulgar, si Eliza Pineda ang una niyang naging kaibigan sa showbiz. Naging malapit umano sila sa isa't-isa sa totoong buhay kahit palagi silang nag-aaway noon sa seryeng "Maria Flordeluna."

Kristel Fulgar, muling nakasama ang "Maria Flordeluna" co-star niyang si Eliza Pineda
Kristel Fulgar, muling nakasama ang "Maria Flordeluna" co-star niyang si Eliza Pineda (@kristelfulgar)
Source: Instagram

Sabay nilang pinanuod ang isang eksena sa "Maria Flordeluna" at sinubukan nilang gayahin ang kanilang ginawa doon. Bukod sa Maria Flordeluna, nagkasama din sila sa seryeng bituin kung saan gumanap sila bilang mga batang Melody at Bernadette na ginampanan nina Carol Banawa at Desiree Del Valle.

Read also

Bea Alonzo, kinuwentong tatlong taong hindi sila nagpansinan ni John Lloyd Cruz

Ayon naman kay Kristel, pinakaunang naging kaibigan niya sa showbiz si Eliza dahil hindi umano ito mayabang kagaya ng ibang batang artista na nauna sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa kanilang pa-throwback at reinactment:

This show was part of my childhood omg successful na naman si ms. Kristel magdala sakin ng nostalgia
Noong hindi pa toxic ang mga bata sa showbiz. Proud talaga ako kasi kahenerasyon ko kayo, Ms. Kristel at Ms. Eliza.
I remember sobrang naiinis ako noon kasi inaapi si eliza sa Maria flor de luna! As a child affected ako masyado hahaha!

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Read also

Bea Alonzo sa tanong kung willing makatrabaho ang ex: "Depende kung sinong ex"

Bukod sa kanyang pag-arte, nakilala din si Kristel sa kanyang husay sa pagkanta ng ilang cover ng mga OST ng ilang Koreanovela. Kamakailan ay binahagi ni Kristel ang kanyang naipundar na bagong bahay at kotse.

Samantala sa nauna niyang vlog, isang DIY recording studio, office at home theater ang pinakita ni Kristel sa kanyang bagong YouTube vlog episode. Aniya, pangarap niyang magkaroon ng home studio kahit noong bata pa lamang siya. Aniya, hindi naman iyon magarbo kagaya ng pinapakita ng ibang mga content creator lalo at DIY lamang ang kanyang home studio.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel