Bea Alonzo sa tanong kung willing makatrabaho ang ex: "Depende kung sinong ex"

Bea Alonzo sa tanong kung willing makatrabaho ang ex: "Depende kung sinong ex"

- Si Bea Alonzo ang guest ni Barbie Forteza sa kanyang talk show sa kanyang YouTube channel na tinawag niyang Coffee Talk with Barbie Forteza

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Dito ay naitanong ni Barbie kay Bea ang ilang mga personal na katanungan kabilang na ang tanong kung willing umano siyang makatrabaho ang isa sa kanyang naging ex-boyfriends

- Diretsahan namang sinabi ni Bea na depende kung sinong ex ang pinag-uusapan dahil kung si Zanjoe Marudo umano ay walang problema sa kanya

- Isa lang naman umano ang kanyang ex na hindi niya gustong makatrabaho ngunit hindi na niya ito pinangalanan

Diretsahang sinabi ni Bea Alonzo na isa lang naman ang ex niya na ayaw niyang makatrabaho. Ito ay matapos siyang tanungin ni Barbie Forteza kung willing daw ba siyang makatrabaho ang kanyang naging ex-boyfriend.

Read also

Barbie Forteza, aminadong sobrang masaya siya sa kanyang love life

Bea Alonzo sa tanong kung willing makatrabaho ang ex: "Depende kung sinong ex"
Bea Alonzo sa tanong kung willing makatrabaho ang ex: "Depende kung sinong ex" (@beaalonzo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Si Bea ang guest ni Barbie sa kanyang talk show sa kanyang YouTube channel na tinawag niyang Coffee Talk with Barbie Forteza. Aniya ay dream vlog niya ang magkaroon ng kanyang sariling talk show.

Sa kanyang naging sagot, naibahagi din ni Bea na magkaibigan sila ni Zanjoe kahit hanggang sa kasalukuyan sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matatandaang kamakailan ay masayang binahagi ni Bea Alonzo na nakabili siya ng apartment sa Madrid, Spain. Sa kanyang pagpunta doon kamakailan, tumingin umano siya sa mga apartment na pwede niyang pagpilian. Ito umano ang dahilan ng kanyang pagpunta kamakailan sa Spain. Sa kanyang ika-100 na video sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Bea na pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay sa Europe.

Kilig overload naman para sa mga BeaDom fans ang binahaging picture ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post. Makikita si Dominic na nakaupo habang si Bea ay naglalagay ng makeup sa kanya. Ito umano ang panahong siya ang makeup artist ng kanyang boyfriend na si Dominic. Marami sa mga netizens ang humiling na ipakita ni Bea ang kinalabasan ng kanyang pag-makeup kay Dominic.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel