Barbie Forteza, aminadong sobrang masaya siya sa kanyang love life

Barbie Forteza, aminadong sobrang masaya siya sa kanyang love life

- Hindi pinagkaila ni Barbie Forteza na masaya siya sa kanyang love life sa kasalukuyan

- Ito ang kanyang naging tugon sa tanong sa kanya ni Bea Alonzo kung masaya siya sa kasalukuyan niyang relationship

- Pabiro pa nitong nasambit ang "pwera usog" na sinundan ng tawanan nila ni Bea

- Si Bea ang kanyang guest sa kanyang unang episode ng kanyang talkshow na Coffee Talk with Barbie Forteza sa kanyang YouTube channel

Ayon kay Barbie Forteza, masaya siya sa kanyang karelasyon na walang iba kundi si Jak Roberto. Napa-"pwera usog" pa ito kasunod ng kanyang pag-amin tungkol sa kanyang love life.

Barbie Forteza, aminadong sobrang masaya siya sa kanyang live life
Barbie Forteza, aminadong sobrang masaya siya sa kanyang live life (@jakroberto)
Source: Instagram

Ayon kay Barbie, hindi kagaya ni Bea, hindi niya kayang makatrabaho uli ang kanyang naging ex-boyfriend. Parang pakiramdam niya ay hindi nawawala ang sama ng loob niya sa naging ex kaya hindi na umano siya komportable na makatrabaho sila.

Read also

Dani Barretto, pinasalamatan ang mister sa pagiging mabuting asawa

Si Bea ang kanyang kauna-unahang guest sa kanyang talk show na tinawag niyang Cofee Talk with Barbie Forteza. Para sa kanya ay dream come true umano ang magkaroon ng sarili niyang talk show.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

This is it! My dream vlog finally coming true! I've always wanted to have my own talk show where I can ask the people who inspire me how they do what they do and to get to know them personally. Of course, my talk show will not be complete without my favorite drink, COFFEE!!!

Si Barbie Forteza ay isang Kapuso actress na nakilala sa kanyang mahusay na pagganap sa mga seryeng Nita Negrita, The Half Sisters, That's My Amboy, Inday Will Always Love You, Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, at marami pang iba. Taong 2009 nang pasukin ni Barbie Forteza ang showbiz at ang unang proyektong ibinigay sa kanya ay ang gumanap sa papel na batang Jodi sa local adaptationng sikat na Korean drama na Stairway to Heaven.

Read also

Bea Alonzo sa tanong kung willing makatrabaho ang ex: "Depende kung sinong ex"

Apat na taon nang magkarelasyon sina Barbie at Jak. Gayunpaman, hindi sila nakakaligtas sa mga pang-iintriga kagaya ng iba pang mga showbiz couples. Kamakailan nga ay inalmahan ni Barbie ang fake news na hiwalay na umano sila ni Jak.

Sa nauna niyang vlog, hindi inatrasan ni Barbie ang panonood sa mga kissing scenes ng kanyang boyfriend na si Jak kasama ang kanyang mga naging leading ladies sa mga TV shows. Kinaaliwan ng mga netizens ang reaksiyon at mga komento ni Barbie sa bawat eksenang sabay nilang pinanood. Ilan sa mga nakasama ni Jak sa mga pinanood nilang eksena ay sina Lauren Young at Klea Pineda.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel