Dani Barretto, pinasalamatan ang mister sa pagiging mabuting partner

Dani Barretto, pinasalamatan ang mister sa pagiging mabuting partner

- Isang madamdaming mensahe ang binahagi ni Dani Barretto para sa kanyang mister na si Xavi Panlilio

- Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan niya ito sa pagiging mabuting partner nito para sa kanya

- Hindi umano niya naramdamang mag-isa siya dahil laging naroroon ang kanyang mister para iparamdam sa kanya na "team" sila

- Ani Dani, pinapahalagahan at pinagpapasalamat niya ang sakripisyo at efort ni Xavi para sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinasalamatan ni Dani Barretto ang kanyang mister na si Xavi Panlilio dahil sa pagiging mabuting asawa nito sa kanya. Hindi umano niya naramdamang mag-isa siya dahil laging naroroon ang kanyang mister para iparamdam sa kanya na "team" sila.

Dani Barretto, pinasalamatan ang mister sa pagiging mabuting partner
Dani Barretto, pinasalamatan ang mister sa pagiging mabuting partner (@danibarretto)
Source: Instagram

Ani Dani, lahat ng sakripisyo at pagsisikap ni Xavi ay kanyang pinagpapasalamat. Binati niya din ito ng "Happy national marriage day."

Read also

Barbie Forteza, aminadong sobrang masaya siya sa kanyang love life

Kalakip ng kanyang mensahe, ibinahagi ni Dani ang picture ng kanyang mag-ama at ang picture nilang tatlo kasama ang anak na si Millie.

I celebrate you everyday, @xavipanlilio !! thank you for being my partner in everything. Thank you for never making me feel alone in this, you always made me feel that I dont have to worry about anything because we’re a team. Your efforts and sacrifices doesn’t go unnoticed.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Dani Barretto ay anak ni Marjorie Barretto at dati nitong karelasyong si Kier Legazpi. Isa siyang kilalang social media influencer at vlogger. Apat ang kanyang kapatid sa kanyang ina; sina Julia, Claudia, Leon, and Erich. Ikinasal siya sa kanyang longtime boyfriend na si Xavi Panlilio.

Kamakailan ay ikinatuwa ni Dani ang muling pagkikita nila ng malapit na kaibigang si Bela Padilla. Sa kanyang post ay binahagi niya na habang nasa Pilipinas si Bela ay susubukan niyang mapawi ang mga panahong hindi sila nagkasama matapos pumunta ng London ang kaibigan. Pansamantala lang si Bela sa bansa nang ma-promote siya kamakailan ng pelikula nila.

Nitong nakaraang Mother's Day ay isang madamdaming pagbati ang binahagi ni Dani para sa inang si Marjorie. Inihingi niya ng dispensa ang katigasan ng ulo niya noon. Pinuri niya rin ang ina sa sakripisyo nito sa pagpapalaki niya at pagtataguyod sa kanilang magkakapatid nang mag-isa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel