Bea Alonzo, kinuwentong tatlong taong hindi sila nagpansinan ni John Lloyd Cruz

Bea Alonzo, kinuwentong tatlong taong hindi sila nagpansinan ni John Lloyd Cruz

- Ayon kay Bea Alonzo, umabot sa tatlong taon na hindi sila nagpapansinan noon ni John Lloyd Cruz noong una pa lamang silang nagkatrabaho

- Hindi umano niya gusto ang isa't-isa dahil kaya kinailangan silang kausapin ng kanilang direktor

- Iniwan umano sila ni Direk Lauren Dyogi sa isang lugar para pag-usapin para magkakilala

- Nakapagpalitan pa umano sila ng number nila dahil lang sa isang talk show

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para kay Bea Alonzo, "hard work" ang naging sekreto ng bond nila ni John Lloyd Cruz. Noong una umano silang magkasama ay hindi sila nag-uusap at hindi nila gusto ang isa't-isa.

Bea Alonzo, kinuwentong tatlong taong hindi sila nagpansinan ni John LLoyd Cruz
Bea Alonzo, kinuwentong tatlong taong hindi sila nagpansinan ni John LLoyd Cruz (@beaalonzo)
Source: Instagram

Dumating pa umano sa punto na kinausap na sila ng direktor. Iniwan umano sila ni Direk Lauren Dyogi sa isang lugar para pag-usapin para magkakilala. Kahit awkward ay naging simula umano iyon ng pag open up nila sa isa't-isa.

Read also

Dani Barretto, pinasalamatan ang mister sa pagiging mabuting asawa

Hindi naman pinagkaila ni Bea na mahal niya si John Lloyd. Para sa kanya ay espesyal ang kanilang relationship. Sobrang komportable na umano nila sa isa't-isa.

ANiya, iniwasan nilang pareho na maging magkarelasyon dahil gusto nilang panatilihin ang kanilang pagkakaibigan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matatandaang kamakailan ay masayang binahagi ni Bea Alonzo na nakabili siya ng apartment sa Madrid, Spain. Sa kanyang pagpunta doon kamakailan, tumingin umano siya sa mga apartment na pwede niyang pagpilian. Ito umano ang dahilan ng kanyang pagpunta kamakailan sa Spain. Sa kanyang ika-100 na video sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Bea na pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay sa Europe.

Kilig overload naman para sa mga BeaDom fans ang binahaging picture ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram post. Makikita si Dominic na nakaupo habang si Bea ay naglalagay ng makeup sa kanya. Ito umano ang panahong siya ang makeup artist ng kanyang boyfriend na si Dominic. Marami sa mga netizens ang humiling na ipakita ni Bea ang kinalabasan ng kanyang pag-makeup kay Dominic.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel