Sharon Cuneta, binahagi isang virtual tour sa kanilang farmhouse

Sharon Cuneta, binahagi isang virtual tour sa kanilang farmhouse

- Pinasilip ni Sharon Cuneta ang gayak ng kanilang farmhouse kung saan umano sila magmemedia noche

- Kagaya ng kanyang naunang tour sa bahay nila, pinakita din ni Mega ang iba't-ibang palamuti para ngayong pasko

- Naipakita niya rin ang ibang bahagi ng kanyang koleksiyon ng Christmas village kagaya sa nauna niyang naipakita sa kanilang condo

- Aniya, ang kanilang farm house ay tinuturing nilang pahingahan mula sa stress sa trabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Sharon Cuneta ang bagong Christmas home tour na kuha sa kanilang farmhouse. Kagaya ng kanyang naunang tour sa bahay nila, pinakita din ni Mega ang iba't-ibang palamuti para ngayong pasko.

Sharon Cuneta, binahagi ang unboxing video niya ng mga nabili niya sa Seoul
Sharon Cuneta, binahagi ang unboxing video niya ng mga nabili niya sa Seoul (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Naipakita niya rin ang ibang bahagi ng kanyang koleksiyon ng Christmas village kagaya sa nauna niyang naipakita sa kanilang condo. Nabanggit niya rin na doon sila magbabagong taon sa kanilang farm house na aniya ay paborito nilang pahingahan.

Read also

Mga anak ni Andrew Schimmer, dinalaw ang kanilang mommy ngayong bagong taon

Aniya, ang kanilang farm house ay tinuturing nilang pahingahan mula sa stress sa trabaho.

Narito ang komento ng kanyang viewers:

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iba talaga kapag sa bukid more peaceful. Happy new year Sharon and family
Love this! I really prefer the farm/country vibes. We also have a property in Australia that we consider like our country retreat and you gave me lots of ideas. Thanks for sharing.
Thank you, Sharon for allowing us to see your sanctuary...you are my inspiration in making investments...I love you and your family!

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Sheree Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw na pumanaw ang kaibigan. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagpanaw ng kaibigan.

Read also

Mommy Carmen, nag-post ng mga nakakakilig na videos nila ng boyfriend niya

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel