Pretty Trizsa, isiniwalat ang kabutihan ng puso ni Ethel Booba; "Hindi niya ako tinaboy"

Pretty Trizsa, isiniwalat ang kabutihan ng puso ni Ethel Booba; "Hindi niya ako tinaboy"

- Ibinahagi ng komedyanteng si Pretty Trizsa ang kabutihang ginawa sa kanya ng kaibigang si Ethel Booba

- Sa panahon kung saan aminadong nalulong siya sa ipinagbabawal na gamot at nawalan ng trabaho, tinulungan siya si Ethel

- Nasasaktan umano ito sa sinapit ni Trizsa na matagal din niyang nakasama noon sa mga comedy bar

- Kaya naman hindi raw talaga makakalimutan ni Trizsa si Ethel na may mabuting puso at hindi siya tinaboy tulad ng nagawa sa kanya ng iba

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ng komedyanteng si Pretty Trizsa ang kabutihang ginawa sa kanya ng dating katrabaho na si Ethel Booba sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel.

Pretty Trizsa, isiniwalat ang kabutihan ng puso ni Ethel Booba; "Hindi niya ako tinaboy"
Sina Ethel Booba at Pretty Trizsa (Ogie Diaz Inspires)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na sa lahat umano ng nilapitan ni Trizsa, bukod tanging si Ethel lang umano ang nagpaabot ng tulong.

Aminadong nasasaktan pa noon si Trizsa dahil sa pag-iisip sa kanya ng hindi maganda maging ng mga dati niyang nakatrabaho.

Read also

Komedyanteng si Pretty Trizsa, aminadong nalulong sa bisyo at naging homeless

"Tinatago nila 'yung bag nila. 'Yung tingin nila sa akin dahil nanghihingi, ako dahil adik ako. Hindi lahat ng adik magnanakaw. Ang sakit," ani Trizsa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat niya kay Ethel na hindi nagdalawang-isip na tulungan siya.

"Sa lahat ng mga hiningan ko, si Ethel hindi niya ako tinaboy," ani Trizsa.

"Bagkus kinuha niya ako... Hinarurot niya 'yung sasakyan, diretso kami sa Nuvali sa Laguna para magkaroon ako ng pagkakataon na isipin kung ano 'yung ginagawa ko," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang kwento:

Si Pretty Trizsa o Ronaldo Celso sa totoong buhay ay isang komedyante sa bansa. Minsan siyang nakilala bilang isa sa mga impersonator ni Mariel Rodriguez kaya tinagurian siyang 'clone' nito.

Samantala, marami na ring mga kilalang personalidad ang nagbigay inspirasyon sa publiko nang makapanayam sila ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel.

Read also

Barbie Forteza, may nilinaw ukol sa kanilang serye; "Hindi naman po natin babaguhin ang history"

Isa sa mga naging panauhin niya kamakailan ay si Andrew Schimmer kung saan nito nailahad ang nangyari sa kanyang misis na si Jho Rovero. Dahil sa interview na ito ni Ogie kay Andrew, dumagsa ang tulong sa pamilya Schimmer.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel