DonEkla, kinaaliwan sa pagpapatawa kasama sina MC at Lassy

DonEkla, kinaaliwan sa pagpapatawa kasama sina MC at Lassy

- Naibahagi ng DonEkla in Tandem ang bagong video nila matapos isapubliko ang kanilang balik-tambalan

- Pinakita nila ang kanilang naging show nila kasama sina MC at Lassy ng Beks Battalion

- Marami ang natuwa at naaliw sa muling pagsasama ng dalawa na pansamantalang tumigil gumawa ng content para sa kanilang YouTube channel na DonEkla in Tandem

- Matatandaang nag-anunsiyo ang dalawa tungkol sa pagkakabuwag ng tandem nila dahil sa kanilang problema

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Magkasama sina Donita Nose at Super Tekla sa isang show kamakailan. Kasama din nila sina MC at Lassy ng Beks Battalion na naghatid ng katatawanan sa kanilang tagapanood.

Super Tekla kay Donita Nose: "Simulan mo tatapusin ko!"
DonEkla, kinaaliwan sa pagpapatawa kasama sina MC at Lassy (@donitanose)
Source: Instagram

Sa video na kanilang binahagi sa YouTube channel nilang DonEkla in Tandem, nagpagalingan silang magdebate sa pamamagitan ng pagdepensa sa dalawang magkaibang panig kagaya sa ginagawa ng mga kalahok sa Miss Q & A sa It's Showtime.

Matagal din na hindi nakitang magkasamang magtanghal sina Donita at Tekla matapos ang kanilang anunsiyo tungkol sa pagtigil nilang mag-vlog na magkasama.

Marami ang natuwa at naaliw sa muling pagsasama ng dalawa at humiling pa na sana ay huwag nang maulit na mawala ang kanilang tambalan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

I miss Donekla In Tandem I'm so happy na bumalik na kayo ulit salamat at dininig nyo ang hinaing namin
Eto na Sila !! Huhuhu ! Hindi na talaga magpa away Ang tandem nila! Welcome to the both of you!! Namiss kong humalakhak
Congratulations Donekla in tandem! Hindi Ako sumuko na maghintay sa pag babalik ninyo. At eto na yon! Masaya Ako para sa inyo na anggang ngayon marami paring nag mamahal at nag hihintay sa Donekla in tandem. Love you both. Stay safe and God bless po.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Matatandaang tuluyang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay. Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitirhan nilang magkasama. Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila. Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan.

Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla. Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose. Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel