Cristy sa nagaganap ngayon sa AMBS 2: "Magpakatotoo tayo, hilaw pa ang ALL TV"

Cristy sa nagaganap ngayon sa AMBS 2: "Magpakatotoo tayo, hilaw pa ang ALL TV"

- Isa sa natalakay nina Cristy Fermin at mga kasama niya sa Showbiz Now Na! ay ang mga umano'y nagaganap sa ALL TV

- Marami rin umanong nangungumusta kay Willie Revillame subalit hindi pa irn niya ito nakakausao

- Lalo na at pansamantalang nawala ang Wowowin sa ere, kaya naman maging si Cristy ay napapatanong sa sarili kung ano na nga ang nangyari lalo na kay Willie

- Umaasa parin sa pagpbabalik sa ere ng Wowowin at agad na makabangon ito upnag mas maayos ang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Cristy Fermin na marami na umanong nagtatanong sa kanya ukol kay Willie Revillame.

Cristy sa nagaganap ngayon sa AMBS 2: "Magpakatotoo tayo, hilaw pa ang ALL TV"
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na maging siya umano ay wala pang balita ukol kay Willie at sa pagkawala pansamantala sa ere ng programa nitong Wowowin.

"Alam mo hindi rin kami nagkakausap. Matagal na panahon na kaming hindi nagkakausap. Siguro sobrang busy niya para AMBS, sa ALL TV... Pero ako din. Nagtatanong din sa sarili ko ano na kaya ang nangyayari sa kanya sa AMBS."

Read also

Cristy, sinabing nagulat ang mga nakatrabaho sa ABS-CBN sa Karen-Korina interview

"At si Willie Revillame ang unang-unang tinatanong sa atin. Ang pinakaposte ng ALL TV ay si Willie," aniya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabanggit din ni Cristy ang ilang mga napansin umano ng netizens sa inisyal na pagsasa-ere ng ALL TV.

"Magpakatotoo tayo, hilaw pa ang ALL TV," ani Cristy. Dagdag naman nina Romel at Morly, itinuon sana muna ng AMBS ang kanilang panahon sa paghahanap ng bubuo sa kanilang production team.

Isa rin kasi sa hamon ng pagbubukas ng AMBS 2 ay ang social media at mga YouTube channel kung saan mas mabilis nang mapapanood ang mga programa at pelikula kahit saan, kahi kailan.

Gayunpaman, umaasa silang darating ang araw na maisasaayos din AMBS2 ang kanilang mga pagkukulang sa kanilang pagsasa-ere.

Narito ang kabuuan ng pahayag kay Willie Revillame mula sa Showbiz Now Na!:

Read also

Donita Nose at Super Tekla, humingi ng dispensa sa kanilang patutsadahan

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel