Donita Nose at Super Tekla, humingi ng dispensa sa kanilang patutsadahan

Donita Nose at Super Tekla, humingi ng dispensa sa kanilang patutsadahan

- Nilinaw nina Donita Nose at Super Tekla ang tungkol sa kanilang sagutan sa social media kamakailan

- Paraan nila ang sagutan para muling mapag-usapan at hindi sila makalimutan ng kanilang mga tagasubaybay

- Humingi na rin sila ng dispensa sa mga taong nagalit at naasar sa kanilang patutsadahan sa Facebook kamakailan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Pormal na inihayag ng dalawa na muli nang magbabalik sa vlogging ang DonEkla in Tandem

Inihingi ng dispensa nina Donita Nose at Super Tekla ang kanilang patutsadahan sa Facebook kamakailan. Paraan daw nila ang sagutan para muling mapag-usapan at hindi sila makalimutan at mapag-usapan lalo at magbabalik na sila sa vlogging bilang magka-tandem.

Donita Nose at Super Tekla, humingi ng dispensa sa kanilang sagutan
Donita Nose at Super Tekla, humingi ng dispensa sa kanilang sagutan (@doneklaintandem)
Source: Instagram

Sa ibinahagi nilang bagong video sa kanilang channel, marami sa kanilang mga tagasubaybay at tagahanga ang masaya sa muli nilang pagsasanib-pwersa para magdala ng kasiyahan sa kanilang viewers at subscribers.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Omg!!! I prayed for this na magkaayos na kayo at bumalik ang dating saya at sigla nyong dalawa. I tried watching other vlogs pero walang pumapantay sa tandem ninyo. Patiently waited for this day!
Sana magtuloy tuloy na yung samahan niyo donekla in tandem..ingatan niyo po yung inyong friendship at maging matatag pa. Salamat naman at bumalik na kayo sana forever na
Really they are together again...Yeheey were so happy that u r both ok now.Sana lahat ng pagsubok nalagpasan niyo.Stress reliever nmin kau DOnekla.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Matatandaang tuluyang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay. Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitirhan nilang magkasama. Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila. Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan.

Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla. Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose. Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel