Vice Ganda, dinumog ng mga fans nang bumisita sa SM Tarlac and SM Pampanga

Vice Ganda, dinumog ng mga fans nang bumisita sa SM Tarlac and SM Pampanga

- Binahagi ni Vice Ganda ang kanyang pagpunta sa SM Tarlac and SM Pampanga kasama si Ion Perez

- Kasama din niya ang mga kaibigang sina MC, Lassy at Tetay na mga kasama niya rin sa pelikulng Partners in Crime

- Dinumog sila ng fans at halos mapuno ng tao ang mall sa kanilang pagbisita

- Sa mga naunang ulat, ang pelikula ni Vice at Ivana Alawi ang pinakapinilahan sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2022

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pumasyal sina Vice Ganda, Ion Perez, MC, Lassy at Tetay sa SM Tarlac and SM Pampanga para pasayahin ang mga tumangkilik sa kanilang pelikulang Partners in Crime. Dinumog sila ng fans at halos mapuno ng tao ang mall sa kanilang pagbisita.

Vice Ganda, dinumog ng mga fans nang bumisita sa SM Tarlac and SM Pampanga
Vice Ganda, dinumog ng mga fans nang bumisita sa SM Tarlac and SM Pampanga (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa katatapos lang na Gabi ng Parangal para sa Metro Manila Film Festival 2022, walang naiuwing parangal ang pelikula ni Vice. Gayunpaman, ayon sa mga naunang ulat, ang pelikula ni Vice at Ivana Alawi ang pinakapinilahan sa lahat ng mga pelikulang kalahok sa MMFF 2022

Read also

Bea Alonzo, pinakita ang kanyang condo na pinagawa niyang office

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinaaliwan ang video ni Vice Ganda na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Makikita sa kanyang bagong video ang nakakaaliw na reaksiyon ng kanyang mga co-host. Hinamon niya ang mga ito sa challenge niya gamit ang laruang bad dog na aniya ay natanggap niya bilang regalo. May alok din siyang premyo sa makakagawa ng kanyang challenge sa loob lamang ng takdang oras na binigay niya.

Naghayag naman si Vice Ganda ng kanyang pagka-miss kay Ion na sa kasalukuyan ay hindi niya kasama sa kanyang bakasyon. Base sa kanilang mga social media post, kasalukuyang nasa Japan si Ion samantalang kasama naman ni Vice ang ilang kaibigan at pamilya niya. Sa kabila ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, nagbahagi ng mensahe si Vice kay Ion na na-mi-miss na niya umano ito. Nauna na ring umalma si Ion at nagsalita laban sa taong aniya ay wala nang boses pero wala pa ring magandang salitang lumalabas sa bibig.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel