Cristy, sinabing nagulat ang mga nakatrabaho sa ABS-CBN sa Karen-Korina interview

Cristy, sinabing nagulat ang mga nakatrabaho sa ABS-CBN sa Karen-Korina interview

- Naibahagi ni Cristy Fermin na marami umano sa mga dati niyang nakatrabaho sa ABS-CBN ang tumawag sa kanya kaugnay sa interview ni Korina Sanchez kay Karen Davila

- Ito ay kaugnay sa naitanong ni Korina na tila nagtataka kung bakit sila ay pilit na pinag-aaway noon ni Karen

- Agad naman itong sinagot ni Karen na 'reyna' umano si Korina ng newsroom ng ABS-CBN gayung si Karen ay mula sa GMA

- Gayunpaman, marami ang natuwa na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkasama ang dalawa na kung titingnan ay walang masamang tinapay sa isa't isa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Cristy Fermin na nakatanggap umano siya ng tawag mula sa mga dating nakatrabaho sa ABS-CBN.

Cristy, sinabing nagulat ang mga nakatrabaho sa ABS-CBN sa Karen-Korina interview
Korina Sanchez at Karen Davila (@iamkarendavila)
Source: UGC

Ito ay kaugnay umano sa naging interview ni Korina Sanchez kay Karen Davila.

Nalaman ng KAMI na nagtaka umano ang mga dati nilang nakatrabaho sa kung bakit tila nagtaka pa si Korina at naitanong nito kay Karen kung bakit pilit silang pinag-aaway noon.

Read also

ABS-CBN, todo puri ni Cristy Fermin; "Iba talaga 'pag sila ang umatake sa isang proyekto"

"Siguro hindi lang sampu ang tumawag sa akin na kasamahan ni Ate Koring dati sa departamento ng news ng ABS-CBN. Ang tanong, 'Nay hindi mo ba napansin, bakit siya pa ang nagtanong ng bakit ba kasi nila tayo pinag-aaway. hindi ko alam kasi dati ikaw ang reyna noon sabi ni Karen Davila," pagbabahagi ni Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sa pagkakaalam ko, isa si Karen Davila sa ayaw niya noong mga panahon na iyon," paliwanag niya.

Kaya naman nagulat daw talaga ang umano'y nakakakilala sa dalawa at dating mga nakasama sa Kapamilya network.

"'Yun ang nasa utak ng mga nakatrabaho ni Ate Koring. Kaya gimbal na gimabal sila, plastik na plastik sila kay Ate Koring dun sa tanong niya kay Karen na Bakit ba kasi nila tayo pinag-aaway?"

Narito ang kabuuan ng naging talakayan nina Cristy, Morly Alinio at Romel Chika sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!:

Read also

Cristy sa nagaganap ngayon sa AMBS 2: "Magpakatotoo tayo, hilaw pa ang ALL TV"

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Kamakailan nga ay nakapanayam siya ni Korina Sanchez na isa rin sa mga haligi ng broadcasting sa bansa. Sa naturang interview, nabanggit ni Karen na 'nakakatakot' umano noon si Korina kaya raw hindi niya ito basta malapitan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel