Toni Fowler, Php800,000 ang kauna-unahang kita sa YouTube

Toni Fowler, Php800,000 ang kauna-unahang kita sa YouTube

- Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naikwento ni Toni Fowler kung paano siya nagsimula sa YouTube

- Laking gulat na lamang din niya nang matanggap ang una niyang kinita sa pagiging isang content creator

- Tila naging inspirasyon na rin sa kanya ang pagkakaroon ng mga tagahanga na mga bata na 'Mommy Oni' na rin tawag sa kanya

- Si Toni Fowler ay isa sa mga kilalang matagumpay na YouTuber sa bansa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Toni Fowler ang naging simula ng kanyang career bilang isang YouTuber sa bansa sa panayam sa kanya ni Karen Davila.

Toni Fowler, Php800,000 ang kauna-unahang kita sa YouTube
Toni Fowler kasama si Karen Davila (Karen Davila YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na sa umpisa'y naging tambakan lamang umano niya ng kanyang mga video ang YouTube at hindi niya akalaing maari niya itong pagkakitaan.

"Kasi ang story ko po ng YouTube tambakan ko lang po ng videos. Tapos kinulit lang ako na alam ko pwedeng kumita diyan. Kinalkal lang niya ng kinalkal tapos minonetize niya lahat. Tapos ako, upload lang ng upload," ani Toni na kilala na rin sa tawag na 'Mommy Oni' na siyang tawag sa kanya ng anak niyang si Tyronia.

Read also

Debbie Garcia, tinangging nagkarelasyon sila ni Diego Loyzaga

Hanggang sa nagulat na lamang siya nang may makakasalubong siya at nagsasabing nanonood umano sila ng kanyang mga videos.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang sanay ako, nagpapa-picture sa'kin lalake. Nung tumagal na, 'uy pa-picture daw ng anak ko.' 'Mommy Oni pa-picture', hala mga bata na nagpapa-picture sa'kin. So natutuwa akong mag-upload," masayang pagbabalik tanaw ni Toni.

Hanggang sa nakuha na nga niya ang unang kita niya sa YouTube na nagkakahalaga ng Php 800,000.

Ngayon, isa na si Toni sa maituturing na kilalang YouTuber sa bansa na kumikita na ng milyon sa pagba-vlog.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Karen Davila:

Kamakailan, nadawit umano ang pangalan ni Toni Fowler sa kontrobersyal na hindi pagkakaunawaan ng kapwa niya mga YouTuber na sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.

Ito ay dahil sa pasabog ni Wilbert kung saan nasabi raw umano ni Zeinab na pawang trash ang ibang mga content creators at sinasabing isa na rito ang grupo ni Toni Fowler.

Read also

Aira Lipata, nagsalita kaugnay sa isyu sa tinirhang condo: "Para lang dun, ipo-post?"

Inalmahan ito ni Toni dahil na rin sa kanyang pamilya kaya agad itong naglabas ng video sa paglalabas niya ng saloobin ukol sa isyu.

Subalit matapos na humingi ng tawad ni Zeinab, aminado itong humanga siya sa pagiging mapagpakumbaba nito sa gitna ng kontrobersiya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica