ABS-CBN, todo puri ni Cristy Fermin; "Iba talaga 'pag sila ang umatake sa isang proyekto"

ABS-CBN, todo puri ni Cristy Fermin; "Iba talaga 'pag sila ang umatake sa isang proyekto"

- Todo puri ni Cristy Fermin ang ABS-CBN pagdating sa paggawa ng iba't ibang mga palabas

- Kaya umanong pataubin ng istasyon ang anumang makakatapat ng kanilang programa

- Nabanggit nila ito bilang ehemplo pagdating sa pagsasagawa ng mga proyekto

- Napag-uusapan kasi nila sa Showbiz Now Na! ang kalagayan ngayon ng AMBS 2 lalo na ng Wowowin ni Willie Revillame

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang napuri ni Cristy Fermin ang ABS-CBN pagdating sa kalidad ng mga programang nagagawa nito.

ABS-CBN, todo puri ni Cristy Fermin; "Iba talaga 'pag sila ang umatake sa isang proyekto"
ABS-CBN (Wikimedia Commons)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na nabanggit ito nina Cristy, Morly Alinio at Romel Chika sa pinakabagong episode nila ng Showbiz Now Na!

Napag-uusapan kasi nilang tatlo ang pansamantalang pagkawala ng Wowowin sa ere gayung ipinalalabas na ito dati sa ALL TV.

Subalit sa hindi pa malamang rason, nawala muli ito bagay na pinagtakhan ng marami kabilang na si Cristy.

Read also

Cristy sa nagaganap ngayon sa AMBS 2: "Magpakatotoo tayo, hilaw pa ang ALL TV"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Natalakay din nila ang mga umano'y pagkukulang pa sa ngayon ng AMBS 2 na inilarawan pa ni Cristy na hilaw at nararapat sanang inuna ng mga ito ang pangangalap ng mga mahuhusay na tao sa production.

At sa aspetong ito, hindi matatawaran ang husay at galing umano ng Kapamilya network.

"Doon naman talaga dati nakauungos ang ABS-CBN. Iba talaga 'pag sila ang umatake sa isang proyekto. Kahit sino pupwede nilang pataubin diyan," ani Cristy.

Matatandaang noong 2020, tuluyang nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN dahilan upang mawalan sila ng pwesto sa free tv. Ang naturang frequency naman ay nabili ng mga Villar na siya ngayong AMBS 2.

Gayunpaman, patuloy ang ABS-CBN sa paggawa ng kalidad na programa na mapapanood online at sa TV5.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Read also

Donita Nose at Super Tekla, humingi ng dispensa sa kanilang patutsadahan

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa loob lamang ng ilang buwan, natanggap na ni Cristy ang kanyang silver play button sa YouTube sa pagkakaroon ng mahigit 100,000 subscribers na ngayo'y may bilang na 278,000 subscribers.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel