Karen Davila, makulit na inaming nakakatakot noon si Korina Sanchez; "'Wag i-deny"

Karen Davila, makulit na inaming nakakatakot noon si Korina Sanchez; "'Wag i-deny"

- Harapang inamin ni Karen Davila na nakakatakot umano si Korina Sanchez

- Sa kauna-unahang pagkakataon, na-interview ni Korina si Karen

- Parehong kilala sa larangan ng broadcasting ang dalawa na parehong mula sa ABS-CBN

- Dumaan ang 22 taon bago umano mangyari ang naturang panayam

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Makulit na sinabi ni Karen Davila sa harap mismo ni Korina Sanchez na nakakatakot daw umano ito noon.

Karen Davila, makulit na inaming nakakatakot si Korina Sanchez; "'Wag i-deny"
Karen Davila at Korina Sanchez (Net25)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito raw ang dahilan kung bakit hindi raw niya basta nakakausap ang kapwa niya batikang broadcaster.

Sa teaser ng Interviews ng Net25, makikita sa kauna-unahang pagkakataon na makakapanayam ni Korina si Karen sa tahanan nito.

Doon nasabi ni Karen ang impresyon niya kay Korina nang makasama na niya ito sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ogie D, nabanggit kay Xander Ford ang 'attitude' nito noon na siya mismo ang nakasaksi

"Masyado kang nakakatakot noon. So hindi kita makausap. Nakakatakot po talaga siya noon ah. 'Wag i-deny, at 'wag i-cut," ang komento ni Karen kay Korina na pareho na lamang nilang tinawanan.

Mapapansin din ang makulit at masaya nilang kwentuhan at palitan ng katanungan.

"'Di ba show ko 'to? Bakit ako ang tinatanong?" ani Korina.

Samantala, sa kanyang Instagram, naikwento ni Karen na nangyari lamang ang kanilang masayang interview na ito matapos ang 22 taon nila bilang mga Kapamilya news anchor.

Labis ang pasasalamat niya kay Korina sa masayang panayam na ito.

"AND…THIS HAPPENED After my 22 years in ABSCBN, the iconic Korina Sanchez and I sit down for a one on one interview for the FIRST TIME - and it was non stop laughter.
"Thank you @korina @net25tv for having me! I treasure this experience and had such a wonderful afternoon with you! I had so much fun!!! Grateful! ALL IN GOD’s GOOD TIME"

Read also

Cristy Fermin, sinabing tinanggihan na umano ni David Foster si Jake Zyrus

Mapapanood ang kabuuan ng interview sa Oktubre 30 sa ganap na alas singko ng hapon sa Net 25.

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na pinarangalan ng TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting (2013).

Sa ngayon, aktibo na rin siya sa bilang isang YouTube content creator. Isa sa mga kinagiliwan ng mga tao ay ang panayam niya kay Lyca Garanoid kung saan naging viral ang reaksyon niya nang malaman niyang pareho ang petsa ng kanilang birthday.

Si Karen din ang nakapagkumbisi sa kanyang best friend na si Kim Atienza na pasukin na rin ang pagiging isang YouTuber.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel