Cristy, nakausap si Alden ukol sa 'kasal at anak' isyu ng Aldub; "wala pong katotohanan"

Cristy, nakausap si Alden ukol sa 'kasal at anak' isyu ng Aldub; "wala pong katotohanan"

- Kamakailan ay muling naging mainit na usapin ang pagkakaroon 'di umano ng anak nina Maine Mendoza at ikinasal na raw ito kay Alden Richards

-Matatandaang naikwento ito ni Maine sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz

- Dahil dito, tila hinahanap naman ng publiko ang paliwanag ni Alden sa isyu

- Matapos naman itong mapag-usapan sa Showbiz Now Na! agad naman umanong nagbigay pahayag si Alden kay Cristy Fermin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakausap ni Cristy Fermin si Alden Richards kaugnay sa muling nabuhay na isyu kung saan mayroon na raw silang anak ni Maine Mendoza at ikinasal na rin sila.

Cristy, nakausap si Alden ukol sa 'kasal at anak' isyu ng Aldub; "wala pong katotohanan"
Alden Richards (@aldenrichards02)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na dahil ito sa naging interview ni Ogie Diaz kay Maine kung saan nabanggit niyang hanggang ngayon, may mga fans na 'kapit na kapit' sa pagkakaron nila ng pamilya ni Alden na pawang wala naman umanong katotohanan.

Read also

Cristy Fermin, nababahala sa nadadalas na 'fake news' ukol sa buhay ni Mike Enriquez

Dahil dito, agad namang nagpaunlak ng kasagutan si Alden kay Cristy upang masabi rin niya ang kanyang saloobin lalo na at hinahanap din siya ng mga tao kaugnay sa kontrobersiyang ito.

"Pagkatapos niyang mapanaood ang ating episode, alam mo nakakuha agad ako ng reaksyon mula sa kanya thru text at tawag. Napakamarespeto, ang sabi niya 'yun pong napag-usapan niyo na content ngayon sa SNN, matagal ko na rin pong ipinaliwanag yan. Matagal ko na pong sinabi na wala pong katotohanan ang isyu kaya lamang po, baka hindi nakarating sa iba o baka natabunan ng ibang interviews ko 'yung paliwanag ko," pagbabahagi ni Cristy ng naging usapan nila ni Alden.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"So hindi na po natin pupwedeng husgahan ngayon si Alden Richards na natatakot, na bahag ang buntot..." ani Cristy.

Read also

RR, naikwentong minsan na siyang na-expel sa paaralan; "May sinagot-sagot akong teacher"

Dahil dito, umaasa ang SNN na sana'y humupa na ang isyu na ito na wala namang katotohanan at matanggap na sana umano ng AlDub fans na kailanma'y hindi na magkakatuluyan pa ang dalawa lalo na at engaged na si Maine kay Arjo Atayde.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pamamayagpag ng kilalang batikang Entertainment writer at reporter na si Cristy Fermin sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa.

Ito ay sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa kanila ngang YouTube channel napag-usapan ang hindi umano pagsasalita ni Alden sa nabuhay nilang isyu ni Maine. Ngunit dahil na rin sa pagiging marespeto ni Alden, agad itong nakipag-ugnayan kay Cristy upang magbigay pahayag.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel