Dina Bonnevie, trending matapos ang umano'y rebelasyon tungkol kina Alex at Nadine

Dina Bonnevie, trending matapos ang umano'y rebelasyon tungkol kina Alex at Nadine

- Trending sa Pilipinas ang batikang aktres na si Dina Bonnevie dahil sa umano'y naisiwalat nito ukol kay Alex Gonzaga at Nadine Lustre

- Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, naikwento pa ni 'Miss D' ang ilang detalye sa naging komprontasyon niya noon kay Alex

- Isa na rito ang ang tungkol sa galit umano ni Alex kay Nadine Lustre dahil lang sa nauunahan siya nitong umiyak

- Nakasama nina Dina sina Alex at Nadine sa seryeng 'P.S. I Love You' na naisaere noong 2011

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Talagang nag-trending sa Twitter Philippines ang isa sa mahuhusay na aktres sa bansa na si Dina Bonnevie.

Dina Bonnevie, trending matapos ang umano'y rebelasyon tungkol kina Alex at Nadine
Dina Bonnevie (@dinabonnevie)
Source: Instagram

Ito ay kaugnay di umano ng mga isiniwalat niya tungkol kay Alex Gonzaga na nagalit 'di umano kay Nadine Lustre sa taping nila noon ng teleseryeng "P.S. I love You."

Read also

Dina Bonnevie, nilinaw na okay sila ni Alex Gonzaga at wala siyang galit

"Then nagagalit siya kay Nadine kung nauunang umiyak si Nadine, eksena niya daw 'yun," ang bahagi ng naging pahayag ni Dina sa panayam sa kanya sa programang Fast Talk with Boy Abunda.

Sa naturang interview, mas naidetalye ni "Miss D" ang umano'y insidente kung saan nagawa niyang makompronta noon si Alex.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dina Bonnevie, trending matapos ang umano'y rebelasyon tungkol kina Alex at Nadine
Photo: Twitter Philippines
Source: Twitter
"Sa akin Alex, Please kinakausap kita ng maayos. If you wanna stay long in this business, you cannot last kung ganyan ang attide mo. Palagi kang late, dito ka pa maliligo sa set and you know you cannot even memorize your lines, 'di ka makaiyak," ang naidagdag pa ni Dina sa minsan na niyang naisiwalat tungkol sa noo'y 'di pa niya pinangalanang si Alex.

Gayunpaman, nilinaw niyang maayos ang kinahinatnan ng naturang pag-uusap na maging siya ay naiyak din matapos maibulalas ang saloobin kay Alex Gonzaga.

Read also

Cristy ni David Foster sa Pinas na wala si Jake Zyrus: "Palagay ko may problema talaga"

"Ang ending? Nag-iyakan kami and then okay na. Naiyak na rin ako because I had to spill my heart out," ani Dina.

Muling lumutang at gumawa muli ng ingay ang naikwento na ito ni Miss Dina Bonnevie patungkol umano kay Alex Gonzaga nang mag-trending ang huli kamakailan dahil sa pamamahid nito ng icing ng kanyang cake sa isang waiter. Sinabing nagkausap na at nakahingi na umano ng tawad si Alex sa naturang waiter sa pamamagitan ng isang pahayag na pirmado ng umano'y na-agrabiyado.

Sa 20th anniversary show ng kanyang kapatid na si Toni Gonzaga, tila napagbiruan nilang magkapatid ang tungkol sa cake. Ani Toni, birthday niya nang araw na iyon kung kailan ginanap ang kanyang concert subalit siniguro raw niyang inilayo nila ang lahat ng cake kay Alex.

Sa post mismo ni Alex bilang pagbati sa kanyang kapatid, isang netizen ang nag-suggest na magpa-cake si Alex para kay Toni. Nag-reply ito sa netizen at sinabing nilalayo talaga siya sa mga cake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Hot:
Online view pixel