Karylle, emosyonal sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime

Karylle, emosyonal sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime

- Kabilang si Karylle sa mga It's Showtime hosts na hindi napigilan ang emosyon sa pagbabalik ni Vhong Navarro ngayong Lunes sa It's Showtime

- Ani Karylle, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya dahil aniya ay nawalan na siya ng pag-asa

- Inihingi niya ng dispensa na nawalan daw siya ng pag-asa kaugnay sa pinagdaanan ni Vhong nang makulong ito

- Kabilang si Karylle sa pinakamatagal na naging host ng It's Showtime kasama si Vhong kaya matagal na ang kanilang samahan sa naturang show

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigil ni Karylle ang emosyon nang magbigay siya ng mensahe sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime. Ani Karylle, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya dahil aniya ay nawalan na siya ng pag-asa.

Karylle, emosyonal sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime
Karylle, emosyonal sa pagbabalik ni Vhong Navarro sa It's Showtime (@vhongx44)
Source: Instagram
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, kasi nawalan ako ng pag-asa talaga. Sorry na naubos “yung pag-asa ko. Pero minsan, may dumarating na madlang people, sasabihin nila na one day, mangyayari ‘to. At nandito ka ngayon. I'm just so grateful.

Read also

Trina sa oras ni Carlo sa anak; "Mithi doesn't deserve na may kahati sa time"

Kabilang si Karylle sa pinakamatagal na naging host ng It's Showtime kasama si Vhong kaya matagal na ang kanilang samahan sa naturang show.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.

Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.

Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel