Trina sa oras ni Carlo sa anak; "Mithi doesn't deserve na may kahati sa time"

Trina sa oras ni Carlo sa anak; "Mithi doesn't deserve na may kahati sa time"

- Naibahagi ni Trina Candaza ang ilang kondisyon niya umano sa paghiram ni Carlo Aquino sa anak nilang si Mithi

- Naging kontrobersyal ito kamakailan dahil sa naging pahayag ni Carlo na di pa muli umano nakakasama ang anak

- Ani Trina sakaling naisin ni Carlo na makasama ang anak, buong oras sana nito ay kay Mithi lamang

- Gayunpaman, naikwento rin ni Trina ang pagiging hands on dad ni Carlo noong magkasama pa sila sa iisang bubong

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ni Trina Candaza ang tungkol sa ilang kondisyon niya ngayon sakaling naisin ng ex-partner niyang si Carlo Aquino na makasama muli ang kanilang anak na si Mithi.

Trina sa oras ni Carlo kay Mithi; "Mamili siya kung kanino niya i-spend 'yung time niya"
Trina Candaza (Ogie Diaz YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na inamin ni Trina na mayroon na siyang ilang 'terms ko and rules' tuwing kukunin umano ni Carlo si Mithi.

Read also

Trina, naikwento ang tungkol sa ipinadalang flowers ni Carlo noon kahit hiwalay na sila

"Ang sakin lang Mama Ogs, kapag kukunin si Mithi gusto ko si Mithi lang sana. Mamili siya kung kanino niya i-spend 'yung time niya," paliwanag ni Trina sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

"Sa daughter niya o sa new girl niya o sa friends niya. Kasi I think, Mithi doesn't deserve na may kahati sa time since minsan na lang naman niyang makasama 'yung daddy niya,"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Respect nalang din siguro sa akin Mama Ogs na huwag munang ipakilala si Mithi sa mga panibagong partner. Kasi ayaw ko ring i-instill sa utak ng anak ko, sa values niya, na okay lang magpapalit-palit ng partner"

"Kaya para sa akin, if ever man na dumating 'yung panahon na may pakakasalan na siya. Siguro 'yung kailangan namin na magkita-kita. Hahayaan ko na silang magbonding kasi yun na yung tatayong pangalawang nanay ni Mithi," paglilinaw naman ni Trina.

Read also

Trina Candaza sa paghiram ni Carlo sa anak nilang si Mithi; "It's just that, hindi siya pumupunta"

Gayunpaman, nabanggit din niya ang pagiging hands on dad noon ni Carlo sa pagdating kay Mithi lalo na noong sila'y magkakasama pa sa iisang bubong. Subalit inamin din niyang nagsimula ang hindi pagkakaunawaan nang maipanganak umano niya ang kanilang supling.

Si Trina Candaza ang dating partner ni Carlo Aquino na kamakailan lamang ay umamin na ng estado umano ng relasyon nila ng kapwa artista na si Charlie Dizon.

Sa naturang panayam din ni Ogie Diaz kay Trina, nabanggit nito ang pagkakataong sinubukan pa umano niyang ayusin ang pagsasama nila ni Carlo nang magpadala pa rin umano ito ng bulaklak sa kanya kahit sila ay hiwalay na.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel