Trina Candaza sa paghiram ni Carlo sa anak nilang si Mithi; "It's just that, hindi siya pumupunta"

Trina Candaza sa paghiram ni Carlo sa anak nilang si Mithi; "It's just that, hindi siya pumupunta"

- Nagsalita na si Trina Candaza sa naging pahayag ni Carlo Aquino ukol sa paghiram nito sa anak nilang si Mithi

- Ani Trina, alam ni Carlo kung nasaan silang mag-ina at welcome pa umano ito kung nasaan sila lalo na noong Pasko

- Nabanggit din ni Trina ang kanya umanong mga terms sa paghiram ni Carlo sa kanilang anak

- Naikwento rin nito ang pagbibigay niya kay Carlo ng class schedule ni Mithi kung saan maari rin niya itong puntahan o dalawin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Trina Candaza sa kontrobersyal na pahayag kamakailan ng kanyang ex-partner na si Carlo Aquino.

Trina Candaza sa paghiram ni Carlo sa anak nilang si Mithi; "It's just that, hindi siya pumupunta"
Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na ito ay ang tungkol sa nasabi ni Carlo sa isa umano nitong interview na sana'y mahiram daw nito si Mithi gayung sustentado naman niya ang mag-ina.

Read also

Trina, naikwento ang pagtawag ni Mithi sa iba ng 'Daddy'; "Siyempre may kirot sa puso'

"That's not true Mama Ogs. I also pay half of our expenses. So para sa'kin, dalawa kaming nagpo-provide. Pwede naman niyang sabihin na nagsusustento siya kay Mithi kasi totoo 'yun pero para sabihing binubuhay din niya ako parang... dalawa kami, nakaka-offend sa part ko 'yun Mama Ogs Kasi nagtatrabaho din ako," ani Trina.

Dahil dito, naibahagi niya ang realization niya sa buhay na: "Kapag ang lalaki nagbigay ng sustento for a month, mabuting tatay na sila. Pero kapag sa mga single moms nagtatrabaho kami, inaalagaan namin 'yung anak namin, kapag may sakit 'yung bata, kami. Pero once na may mali kaming nagawa, masamang ina na kami."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kay Carlo kasi 'yung sustento niya, he can earn it in a day. Pero ako, 'yung pino-provide ko na half ilang trabaho 'yung katapat para ma-provide ko 'yung one month... Ang convenient pala maging lalake," dagdag pa niya.

Read also

Trina sa oras ni Carlo sa anak; "Mithi doesn't deserve na may kahati sa time"

Nabanggit din ni Trina na alam umano ni Carlo kung nasaan silang mag-ina noong Kapaskuhan. Maging class schedule ni Mithi sa school nito ay pinadala rin niya kay Carlo sakaling gusto niya itong puntahan doon o bisitahin.

"Hindi ko pinagdadamot ang anak ko, It's just that, hindi siya pumupunta," paglilinaw ni Trina.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging interview sa Ogie Diaz YouTube channel:

Kamakailan, bukod sa naging pahayag ni Carlo sa paghiram niya sa anak na si Mithi, gumawa rin ito ng ingay sa social media nang aminin ang estado ng relasyon nila ng aktres na si Charlie Dizon.

Matapos nga ang naturang rebelasyon, umugong din sa socmed ang post ni Trina na agad na inakala ng netizens na patama umano sa dati nitong kasintahang si Carlo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel