Trina, naikwento ang pagtawag ni Mithi sa iba ng 'Daddy'; "Siyempre may kirot sa puso'

Trina, naikwento ang pagtawag ni Mithi sa iba ng 'Daddy'; "Siyempre may kirot sa puso'

- Isa rin sa naibahagi ni Trina Candaza sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ang pagtawag ng 'Daddy' ni Mithi sa ibang tao

- Aniya, isa ito sa napansin niya buhat nang hindi na nakakasama noon ni Mithi ang amang si Carlo Aquino

- Kamakailan, naging kontrobersyal ang naging pahayag ni Carlo nang hilingin nitong makasama sana ang anak na 'di na niya nakapiling mula pa noong Nobyembre 2022

- Nagbigay pahayag din si Trina ukol dito at nilinaw na 'di niya umano ipinagdadamot ang kanilang anak kay Carlo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam niya kay Trina Candaza, natanong ni Ogie Diaz kung may napansin itong pagbabago kay Mithi buhat nang hindi na nito araw-araw na nakakasama ang amang si Carlo Aquino.

Trina, naikwento ang pagtawag ni Mithi sa iba ng 'Daddy'; "Siyempre may kirot sa puso'
Trina with Mithi (@trinacandaza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nilarawan ni Trina na may 'kirot' sa kanyang puso ang napansin kay Mithi na tumatawag ng Daddy sa ibang nakakasalubong lang nila noong lalaki na may kasama ring bata.

Read also

Trina sa oras ni Carlo sa anak; "Mithi doesn't deserve na may kahati sa time"

"May mga times na nagda-daddy daddy siya hinahanap niya. Ta's minsan nakakakalabit ng puso kapag may nakikita siyang lalake tinatawag niyang daddy," ani Trina.

"Pero super baby pa siya nu'n. Naalala ko na parang nag-check in kami sa isang hotel nagbakasayon lang kami. May nakita siyang bata saka lalake. Tinawag niyang daddy," pagbabalik-tanaw pa ni Trina.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nang matanong ni Ogie kung anong naramdaman niya sa puntong iyon: "Siyempre may kirot... Hindi buo yung family ng anak ko," naluluhang sagot ni Trina.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz:

Si Trina Candaza ang dating partner ni Carlo Aquino na kamakailan lamang ay umamin na ng estado umano ng relasyon nila ng kapwa artista na si Charlie Dizon.

Sa naturang panayam din ni Ogie Diaz kay Trina, nabanggit nito ang pagkakataong sinubukan pa umano niyang ayusin ang pagsasama nila ni Carlo nang magpadala pa rin umano ito ng bulaklak sa kanya kahit sila ay hiwalay na.

Read also

Trina, naikwento ang tungkol sa ipinadalang flowers ni Carlo noon kahit hiwalay na sila

Nilinaw din niya ang tungkol sa naging kontrobersyal na pahayag ni Carlo kung saan nais na raw nitong makita ang anak na si Mithi na hindi nakakasama muli mula pa noong Nobyembre ng 2022. Ani Trina, alam ni Carlo kung saan sila naglalaging mag-ina at anumang oras ay maari itong pumunta. Subalit sadyang hindi lang daw umano nagpupunta ang aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel