Trina, naikwento ang tungkol sa ipinadalang flowers ni Carlo noon kahit hiwalay na sila

Trina, naikwento ang tungkol sa ipinadalang flowers ni Carlo noon kahit hiwalay na sila

- Naikwento ni Trina Candaza ang tungkol sa mga bulaklak na ipinadala ni Carlo para sa kanya at kay Mithi

- Dahil hiwalay na umano sila noon, nagtaka siya kung bakit napadalhan pa siya ng dating nobyo ng may kalakihang arrangement ng mga bulaklak

- Masasabi niya umanong ito ang naging daan niya upang subukang ayusin pa sana ang kanilang pagsasama para sa kanilang anak na si Mithi

- Subalit ang hindi pagsagot ni Carlo ang siyang naging hudyat para tanggapin ni Trina na hanggang doon na lamang sila ni Carlo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga naikwento ni Trina Candaza sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz ay ang tungkol sa mga bouquet of flowers na pinadala sa kanya ni Carlo noong Valentine's Day ng nakaraang taon.

Trina, naikwento ipinadalang flowers sa kanya ni Carlo noon kahit hiwalay na sila
Trina Candaza (@trinacandaza)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kahit na hiwalay na umano sila ni Carlo ng mga panahong iyon, sa kanya pa ang pinakamalaking arrangement ng mga bulaklak na pinadala para sa kanya, kay Mithi at sa lola nito.

Read also

Trina, naikwento ang pagtawag ni Mithi sa iba ng 'Daddy'; "Siyempre may kirot sa puso'

Kaya naman lakas-loob umano niyang tinanong ang ex-partner kung para saan at bakit siya nito binigyan pa ng mga bulaklak.

"Tinanong ko siya Mama Ogs kasi sakin kasi yung pinakamalaking bouquet. E iniisip ko kasi kung ano ba binigyan ba niya ako dahil nanay ako ng anak niya. Or dahil special ba ako or what," pagbabalik-tanaw ni Trina.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"So tinanong ko siya that time. Bakit mo ako binigyan ng bulaklak. Ang sabi niya, gusto daw niya kasi bigyan yung mga mahal niya sa buhay. So sabi ko, mahal mo pa ba ako? Ayaw mo na ba kami ibalik?"

Sa kasamaang palad, wala umano siyang nakuhang sagot kay Carlo. Isa lamang itong patunay na sinubukan pa rin niyang ayusin ang kanilang pagsasama lalo na at para sa kanilang anak na si Mithi.

Read also

Trina sa oras ni Carlo sa anak; "Mithi doesn't deserve na may kahati sa time"

Narito ang kabuuan ng interview mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Kamakailan, bukod sa naging pahayag ni Carlo sa paghiram niya sa anak na si Mithi, gumawa rin ito ng ingay sa social media nang aminin ang estado ng relasyon nila ng aktres na si Charlie Dizon.

Matapos nga ang naturang rebelasyon, umugong din sa socmed ang post ni Trina na agad na inakala ng netizens na patama umano sa dati nitong kasintahang si Carlo.

Sa ngayon, mayroon na ring YouTube channel si Trina kung saan mapapanood ang mga kaganapan sa buhay nila ng anak anak niyang si Mithi.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel