Zeinab Harake, proud na kinaya ang Indonesia trip mag-isa

Zeinab Harake, proud na kinaya ang Indonesia trip mag-isa

- Ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga kaganapan sa pagbibiyahe niyang mag-isa patungong Indonesia

- Aniya, sanay kasi siyang laging may kasama at may aalalay sa anumang gawain niya sa ibang bansa

- Makikitang nag-enjoy naman si Zeinab, kasama ng ibang kaibigan gaya ni Awra Briguela at ang CEO ng Brilliant Skin na si Glenda Victorio

- Lalo na sa kanyang pagbabalik sa bansa, mag-isa lamang siya at ito na raw ang hudyat ng iba pa niyang biyahe na mag-isa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Proud na ibinahagi ni Zeinab Harake ang mga kaganapan sa kanyang Indonesia trip kung saan mag-isa lamang siyang nagbiyahe.

Zeinab Harake, proud na kinaya ang Indonesia trip na mag-isa
Zeinab Harake (Zeinab Harake YouTube channel)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na madalas kasi niyang kasama ang kapatid na si Rana o kaya ay ilan sa kanyang team Zebby.

Subalit sa pagkakataong ito, si Awra Briguela lamang ang kanyang kasama na hindi naman niya umano nauutusan dahil 'baby' niya ito at siya pa ang nag-aasikaso rito.

Read also

Regine Velasquez, tawang-tawa sa pamilya ni Melai at Jason Francisco

Kitang-kita naman na enjoy si Zeinab sa kanyang experience kung saan naka-12 hours din siya ng tulog bagay na napakahalaga umano sa kanya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matatandaang sa isa sa mga interview kay Zeinab, nabanggit niyang ang pagbiyahe niya ng ilang araw sa ibang bansa ang nagsisilbing pahinga niya sa trabaho dito sa Pilipinas.

At sa kanya ngang pagbabalik bansa, talagang mag-isa na lamang siya dahil naiwan pa sina Awra sa Indonesia.

"Solo flight talaga ako sis, ang saya! Magiging proud na sa'kin si Rana nito," ani Zeinab na susubok daw muli bumiyahe na mag-isa sa mga susunod na pagkakataon.

Narito ang kabuuan ng kanyang Indonesia trip mula sa kanyang YouTube channel:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Read also

Vice Ganda, binati ang aniya'y mga "clean at mga kapwa niya dirty"

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Gayunpaman, labis-labis pa rin ang pasasalamat ni Zeinab na nagtapos pa ring matagumpay ang kanyang 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel