Singsing sa viral post ni Zeinab, galing umano kay Donnalyn Bartolome

Singsing sa viral post ni Zeinab, galing umano kay Donnalyn Bartolome

- Galing kay Donnalyn Bartolome ang singsing na ibinida ni Zeinab Harake sa kanyang post

- Matatandaang agad na nag-viral ang post niyang ito lalo na at nilagyan pa niya ito ng komentong 'It's a Yes'

- Emosyonal si Zeinab sa regalo ng kaibigan at first time pa lang niyang makatanggap nito

- Binilinan pa ni Donnalyn si Zeinab na pakaingatan ito dahil totoong diamonds ang bumubuo ng kanyang singsing

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Mula kay Donnalyn Bartolome ang singsing na ibinida ni Zeinab Harake sa kanyang Facebook ilang minuto bago ilabas ang kanyang 'Birthday and Christmas gifts' unboxing video.

Singsing sa viral post ni Zeinab, galing umano kay Donnalyn Bartolome
Donnalyn Bartolome and Zeinab Harake (Zeinab Harake YouTube channel)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na sandaling naintriga ang mga netizens sa singsing na suot ni Zeinab sa naturang post.

Lalo na at nilagyan pa niya ito komentong 'It's a yes' dahilan para i-congratulate naman siya ng marami.

Read also

Tindero ng ice candy na may British accent, hinangaan ng marami

Sa naturang unboxing video, ibinahagi niya ang kanyang reaksyon nang ibigay ng kaibigan niyang si Donnalyn ang naturang singsing.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mula ito sa Disney at 'Belle ring' na gawa talaga sa diamonds.

"Huy, naiiyak ako! Ngayon lang may nagbigay sa'kin ng ganito," ang naluluhang nasabi ni Zeinab na tila hindi makapaniwala sa regalong bigay sa kanya ni Donna.

Labis na namangha si Zeinab sa singsing at nagbiro pa ito na engaged na umano siya kay Donnalyn Bartolome.

Si Donnalyn ay isa sa malalapit na kaibigan ni Zeinab. Matatandaang may mga collaboration video rin sila kasama si Jelai Andres na bumubuo sa kanilang "DoLaiNab"

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber sa bansa na mayroon nang 13.3 million subscribers sa kanyang channel.

Sa mga huling vlogs niya noong 2022, ipinakita ni Zeinab ang pagpapahalaga sa sarili lalong-lalo na rin sa kanyang pamilya. Subalit, hindi pa rin ito nakalimot na magbahagi ng kanyang biyaya lalo na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jorhomy sa ika-40 days nito

Naibahagi rin niya umano ang mga natutunan niya noong nakaraang taon na inulan siya ng kabi-kabilang kontrobersiya.

Ilan dito ay ang hiwalayan nila ng dating partner at ama ng anak niyang si Bia na si Skusta Clee. Halos kasabay din nito ang pagsasapubliko ni Zeinab ng pagkawala ng kanya sanang ikalawang baby na napangalanan pa niyang si 'Moon.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel