Ogie Diaz sa 'set aside ang pulitika' statement ni Willie: "Alamin niya muna 'yung background"

Ogie Diaz sa 'set aside ang pulitika' statement ni Willie: "Alamin niya muna 'yung background"

- Maging si Ogie Diaz ay naglabas ng saloobin ukol sa naging pahayag ni Willie Revillame sa pagtatapos ng ilang programa sa ALLTV

- Matatandaang naging usap-usapan ang mga nasabi ni Willie lalo na nang sabihin niyang 'set aside ang pulitika' sa pangyayaring ito

- Kaugnay nito, nakalkal umano ng mga netizens ang naging pahayag ni Atty. Harry Roque sa Wowowin noon

- Ito rin umano ang pinaghugutan ng mga ito upang salungatin ang naging pahayag ng host ng Wowowin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update YouTube channel ngayong Pebrero 7 ay ang tungkol sa kontrobersyal na pahayag ni Willie Revillame sa pagsasara ng ilang programa ng ALLTV.

Ogie Diaz sa 'set aside ang pulitika' statement ni Willie; "Alamin niya muna 'yung background"
Willie Revillame (Wowowin)
Source: Youtube

Nalaman ng KAMI na marami umanong netizens ang umalma sa naging pahayag na ito ni Willie lalo na nang sabihin niyang isantabi ang pulitika sa nangyayari na ito sa AMBS 2.

Read also

Willie Revillame, pinakita ang pinapagawang Wowowin Studio

"So yun ang sinasabi ng mga tao. 'Wag kang masalita kung meron ding maibabataong resibo sa'yo pabalik," ani Ogie D.

"So lahat halos ng mga binasa namin ay nag-react doon sa i-set aside natin ang politics," dagdag pa niya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa naturang episode, naibahagi rin niya ang pabirong pahayag noon ni Harry Roque ukol sa pagsasara ng ABS-CBN na kanyang nabanggit sa guesting niya sa Wowowin.

Ito umano ang nagsilbing 'resibo' ng karamihan sa naging pahayag naman ni Willie kamakailan.

"Seriously speaking, sana bago magbitaw ng mga salita si Willie, alamin niya muna 'yung background. Alamin niya muna kung may nasabi ba ako dati, noong araw na masama sa kapwa ko o sa kompanyang pinaglingkuran ko dati," ani Ogie.

"Alam ko naman si Willie tumatanaw ng utang na loob sa ABS-CBN. Pero syempre sa mga pagkakataong kailangan ng suporta ng ABS-CBN mula sa mga taong minsan ay naging bahagi ng kanilang pagsikat ang ABS-CBN, sana tumatanaw din sila. Sana nararamdaman din 'yung kanilang suporta, kaht ano lang tweet, post, isang statement, naku malaking bagay 'yun," dagdag pa niya.

Read also

Ogie D, ibinahagi ang dating guesting ni Harry Roque sa Wowowin: "Eto papanood namin sa inyo"

Nag-iwan din ng mensahe si Ogie sa publiko tungkol sa mainit na usapin ito:

"Ito na lamang po ang iiwan ko sa inyo. Wala naman tayong magagawa kung ang ibang tao ay gusto nilang paniwalaan ang gusto nilang paniwalaan. Hindi rin naman natin pwedeng isiksik ang opinyon natin doon sa mga taong sarado ang utak makitid ang utak, so ayaw nilang paniwalaan yung katwiran. Wala tayong magagawa kundi intindihin na lamang sila."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Matatandaang minsan na ring natalakay nina Ogie D at Mama Loi sa kanilang channel ang tungkol sa kontrobersyal na pagtatapos ng Darna.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel