Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya

Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya

- Sinagot nina Antonette Gail at ng kanyang kapatid at ina ang mga negative comments sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Sumabak sila sa Sagot o Lagok challenge kung saan tuwing may mga komentong ayaw nilang sagutin ay kailangan nilang uminom

- Kabilang sa mga sinagot ni Antonette ay tungkol sa kanyang pagpaparetoke

- Ani Antonette, mas gusto niya ang katawan niya matapos ang kanyang pagpaparetoke at nagmumukha lang siyang mataba sa video

Sumabak sa Sagot o Lagok challenge sina Antonette Gail, ang kanyang mga kapatid at ang kanyang nanay. Kabilang sa mga sinagot ni Antonette ay tungkol sa kanyang pagpaparetoke.

Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya
Antonette Gail, sinagot ang mga negative comments sa kanya
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sinagot din ng nanay niya ang komentong nagpa-Tulfo pa daw ito dati at ngayon daw ay si Whamos naman ang bumubuhay sa kanila.

Read also

Cristy Fermin, hindi daw iboboto si Willie Revillame: "Nanunumbat ka, yan ba ang kusang loob?"

Ayon sa ina ni Antonette, hindi naman si Whamos ang bumubuhay sa kanila dahil may business naman sila.

Natural lang daw bilang magulang ang protektahan ang kanyang anak. Noong panahong iyon na nagpa-Tulfo siya ay wala pa sa hustong gulang si Antonette.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na after party na siya sumayaw noong birthday ni Meteor

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel