Antonette Gail, nilinaw na after party na siya sumayaw noong birthday ni Meteor

Antonette Gail, nilinaw na after party na siya sumayaw noong birthday ni Meteor

- Aminado si Antonette Gail na hindi angkop ang kanyang Water Dance sa children's party

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Gayunpaman, sa kanyang live video sa Facebook, nilinaw niyang after party daw nang sumayaw sila

- Na highlight lang daw ang kanyang sayaw kahit dalawang minuto lang naman ang itinagal ng kanyang sayaw

- Sinabi niya rin na iyon ang kaya niyang sayaw kaya iyon ang napili niyang sayawin

Aminado si Antonette Gail na hindi daw angkop sa children's party ang kanyang sayaw. Gayunpaman, nilinaw niyang after party pa daw niya iyon sinayaw.

Antonette Gail, nilinaw na after party na siya sumayaw noong birthday ni Meteor
Antonette Gail, nilinaw na after party na siya sumayaw noong birthday ni Meteor
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aniya, iyon lang ng sayaw na kaya niya at doon siya confident kaya iyon ang napili niya. Dalawang minuto lang naman daw ang sayaw niya pero na highlight lang daw talaga ang kanyang sayaw.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Aniya, naiintindihan niya ang mga gumagawa ng content tungkol sa kanya pero kapag dinamay na ang anak nilang si Meteor ay ibang usapan na daw iyon dahil hindi niya hahayaang madamay ang anak niya.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Read also

Christian Merck Grey, tinawagan daw ng nagpakilalang abogado ni Xander Arizala

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel