Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

- Nagsalita si Antonette Gail kaugnay sa mga reaksiyon ng netizens sa kanyang post tungkol sa pagkakaospital niya

- Nilinaw niyang hindi siya nagpaopera para magpaganda kundi dahil sa iniinda niyang sakit

- May mga nagsabi din na baka nabinat siya dahil sa kakasayaw niya kahit isang taon pa lang siyang nanganganak

- Aniya, may cyst na tinanggal sa kanya pero hindi na niya ibinahagi ang ibang detalye tungkol dito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Antonette Gail na sagutin ang mga reaksiyon ng ibang netizens matapos siyang maoperahan. Nilinaw niyang naoperahan siya dahil sa sakit na iniinda niya at hindi para magpaganda.

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi pagpapaganda
Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi pagpapaganda
Source: Facebook

May mga nagsabi din na baka nabinat daw ito dahil sa kanyang pagsayaw kamakailan sa birthday ng anak. Nilinaw naman ni Antonette na may tinanggal na cyst sa kanya kaya siya naoperahan.

Read also

Willie Revillame, handa na raw tumakbong senador sa 2025

Nagpasalamat din siya sa mga nagpapahayag ng suporta sa kanila. Simula daw nang maging sila ni Whamos ay nasanay na rin siya sa mga bashers kaya naging matatag siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel