Maja Salvador, sinurpresa ng EB dabarkads; emosyonal sa mensahe ng kanyang ina

Maja Salvador, sinurpresa ng EB dabarkads; emosyonal sa mensahe ng kanyang ina

- Extended ang birthday celebration ni Maja Salvador sa Eat Bulaga

- Sinurpresa siya ng kanyang mga Eat Bulaga Dabarkads gayundin ng kanyang best friend na si Pooh at kapatid na si Jessie na naki-hataw sa kanya sa stage

- Hindi rin inaasahan ni Maja ang birthday message sa kanya ng kanyang Mommy Thelma

- Inalala kasi nito ang dating pangarap lamang nila na makatuntong sa entablado ng Eat Bulaga at mapanood sa telebisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang todo-todo ang pagmamahal kay Maja Salvador ng kanyang Eat Bulaga family dahil sa extended birthday celebration ng mga ito para sa kanya.

Nalaman ng KAMI na sinurpresa siya ng kanyang mga 'dabarkads' kasama na rin ang best friend niyang si Pooh at ang kapatid naman niyang si Jessie.

Napatili sa saya si Maja nang makihataw ang dalawa sa kanya sa Eat Bulaga stage.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Maja Salvador, sinurpresa ng mga EB dabarkads; emosyonal sa mensahe ng kanyang ina
Maja Salvador (@iammajasalvador)
Source: Instagram

At nang marinig naman ni Maja ang mensahe sa kanya ng kanyang Mommy Thelma, mapapansing naging emosyonal ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Lalo na at naikwento pa kanyang ina ang pangarap lamang nila noon na isali si Maja sa Little Miss Philippines ng Wat Bulaga.

"Iyan lang ang napapanood natin noong bata ka... 'Di ba sabi mo, mama gusto ko diring sumayaw para makita rin ako sa TV. Kaya 'di ba nangarap din ako na isali ka sa Little Miss Philippines."

Kaya naman ngayon, tila natupad na ang pinapangarap lamang nila noon ni Mommy Thelma dahil isa na ngayong dabarkads si Maja ng Eat Bulaga.

Si Maja Ross Andres Salvador ay isang Filipina actress na mas nakilala rin sa kanyang husay sa pagsasayaw. Mula si Maja sa pamilya ng mga aktor tulad ng ama niyang si Ross Rival at tiyo niyang si Philip Salvador. Umani na ng iba't ibang mga acting awards si Maja. May sarili na rin siyang talent agency ang Crown Artist Management.

Kamakailan, mainit ang pagtanggap kay Maja ng kanyang Eat Bulaga family. Si kasi Maja ang magiging host bagong segment ng Eat Bulaga na DC o Dance Classics 2021.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel