Maja Salvador, mapapanood na sa Eat Bulaga; "Ngayon parte na ako ng dabarkads"

Maja Salvador, mapapanood na sa Eat Bulaga; "Ngayon parte na ako ng dabarkads"

- Magiging bahagi na ng Eat Bulaga family si Maja Salvador na napanood na ngayong Oktubre 2 sa noontime show

- Matapos ang kanyang makapigil hiningang dance number, na-welcome na si Maja bilang pinakabagong 'dabarkads'

- Ayon pa kay Maja, regalo raw niya sa kanyang ina na nagdiriwang ng kaarawan ang pagbabalik niya sa entablado at ang pagiging bahagi na ng longest running noontime show sa Pilipinas

- Binatirin si Maja ng kanyang Eat Bulaga family sa pagkapanalo nito bilang Best Actress sa katatapos lamang na Asian Academy Creatives awards

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa nang 'dabarkads' ang tinaguriang dancing queen na si Maja Salvador na napanood na sa Eat Bulaga ngayong Oktubre 2.

Nalaman ng KAMI na matapos ang makapigil hiningang dance number ni Maja ay agad siyang sinalubong ng ilan sa kanyang mga makakasama sa Eat Bulaga na sina Jose Manalo, Allan K at Ryan Agoncillo.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Maja Salvador, isa nang 'dabarkads' at mapapanood na sa Eat Bulaga
Maja Salvador (@iammajasalvador)
Source: Instagram

Kwento pa ni Maja, kaarawan daw ng kanyang ina at ang pagbabalik niya sa entablado para sumayaw at pati na rin ang pagiging bahagi na niya ng Eat Bulaga family ay ang kanyang regalo para rito.

Naibahagi rin ni Maja na mula 'Aparri' talaga ang kanyang talento gayung doon siya nagmula. Pinangarap lamang daw nila ng kanyang ina na makasali siya noon sa 'Little Miss Philippines' na hindi umano natuloy dahil wala silang budget noon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngunit ngayon, walang pagsidlan ng saya si Maja na bahagi na siya ng longest-running noontime show.

Binati rin nina Allan K si Maja sa pagkapanalo nito bilang best actress sa katatapos lamang na Asian Academy Creatives awards.

Si Maja ang magiging host bagong segment ng Eat Bulaga na DC o Dance Classics 2021.

Read also

PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo

Narito ang kabuuan ng video na naibahagi rin ni Rhen Espinosa sa kanyang YouTube channel:

Si Maja Ross Andres Salvador ay isang Filipina actress na mas nakilala rin sa kanyang husay sa pagsasayaw. Mula si Maja sa pamilya ng mga aktor tulad ng ama niyang si Ross Rival at tiyo niyang si Philip Salvador. Umani na ng iba't ibang mga acting awards si Maja. May sarili na rin siyang taleng agency ang Crown Artist Management.

Isa sa mga kapwa niya artistang nasa ilalim ng kanyang pangangalaga ay ang malapit niyang kaibigang si John Lloyd Cruz.

Sa naunang ulat ng KAMI, inamin ni Maja na nahirapan siya umano na mag-isip ng content para sa kanyang vlog mula nang pasukin niya ang pagiging isang YouTuber.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel