Pauleen Luna, nag-post ng picture ng dalawang anak: "My children...Thank you Lord"

Pauleen Luna, nag-post ng picture ng dalawang anak: "My children...Thank you Lord"

- Ibinida ni Pauleen Luna ang picture ng dalawang anak na sina Tali at Baby Mochi

- Sa kanyang binahaging Instagram story, makikita ang picture ng kanyang dalawang anak na magkatabing natutulog

- Sa naturang post ay nagpasalamat si Pauleen sa Panginoon para sa kanyang pinakamamahal na mga anak

- Sa kabila ng pagkakaroon ng bagong silang na anak, hindi hinahayaan ni Pauleen na hindi niya maibida maging ang panganay na anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Pauleen Luna ang picture ng kanyang dalawang anak sa kanyang Instagram story. Makikita ang mga anak niyang sina Tali at Baby Mochi na magkatabing natutulog.

Pauleen Luna, nag-post ng picture ng dalawang anak: "My children...Thank you Lord"
Pauleen Luna, nag-post ng picture ng dalawang anak: "My children...Thank you Lord"
Source: Instagram

Matatandaang nitong nakaraang Lunes, January 23 nang manganak ang TV host. Una nilang pinakita sa publiko ang anak sa pamamagitan ng noontime show na Eat Bulaga na napapanood sa TV 5.

Read also

Pauleen Luna, ibinida ang picture nila ni Baby Mochi

Sa kabila ng pagkakaroon ng bagong silang na anak, hindi hinahayaan ni Pauleen na hindi niya maibida maging ang panganay na anak.

Pauleen Luna, nag-post ng picture ng dalawang anak: "My children...Thank you Lord"
Pauleen Luna, nag-post ng picture ng dalawang anak: "My children...Thank you Lord"
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen sa kanyang Instagram account. Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang. Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid. Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid.

Read also

Pauleen Luna, may pasilip sa bagong silang na baby nila ni Vic Sotto

Kamakailan ay binahagi ni Pauleen ang isang pasilip sa bagong silang na anak nila ni Vic Sotto. Makikita ang bibig at ang maliit na bahagi ng pisngi ng baby sa post ni Pauleen sa kanyang Instagram story kalakip ng kanyang pagbati. Binahagi rin ni Pauleen ang picture ng panganay na anak na si Tali na may hawak na bulaklak. Matatandaang nag-post si Pauleen kahapon ng kanyang pinakahuling selfie bago siya manganak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel