Tali Sotto, kinaaliwan sa paglalarawan nito sa kanyang Tito Wally Bayola

Tali Sotto, kinaaliwan sa paglalarawan nito sa kanyang Tito Wally Bayola

- Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen Luna sa kanyang Instagram account

- Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang

- Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid

- Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging ang ibang host ng Eat Bulaga ay natawa sa video na ibinahagi ni Pauleen Luna. Makikita sa video ang anak nila Pauleen at Vic Sotto na si Talitha Sotto na nakaturo sa kanyang Tito Wally na kasama sa isang wedding picture ng kanyang mga magulang.

Read also

Dawn Chang, naghihintay din daw ng pruweba mula kay Cristy Fermin

Tali Sotto, kinaaliwan sa paglalarawan nito sa kanyang Tito Wali Bayola
Marie Pauleen Luna-Sotto (@pauleenlunasotto)
Source: Instagram

Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid. Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Kids say the darnest thing hahaha, no filter talaga ang mga bata, they say as they see it. Super cute ka talaga Tali.
Basta bata talaga they say what they think walang preno preno! Aminado naman sya na silly sya so forgiven na po agad haha!
Ang kulit Ni Smàrt beautiful little princess never Nia mkalimutan Ito kc he looks liked squid because he has no hair hahaha!

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Read also

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Pauleen Luna ang nakakaaliw na video nila ng anak na si Tali kung saan kumakanta siya habang drums naman ang tinutugtog ng anak.

Kinaaliwan din ang pagtuturo ni Pauleen ng mga Tagalog words kay Talitha na kadalasan ay English ang gamit na lengwahe sa pakikipag-usap.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate