Dawn Chang, naghihintay din daw ng pruweba mula kay Cristy Fermin

Dawn Chang, naghihintay din daw ng pruweba mula kay Cristy Fermin

- Sa kanyang Twitter account, pinalagan ni Dawn Chang ang ilang mga tweets laban sa kanya

- Nilinaw at sinagot niya rin ang ilang katanungan kaugnay sa kinakaharap niyang isyu kasunod ng kanyang paglahad ng saloobin sa kontrobersiyal na pag-host ni Toni Gonzaga kamakailan

- Sinagot niya ang isang tweet kung totoo daw ba ang paratang ni Cristy Fermin na pumatol siya sa boss sa ABS-CBN para maging artista siya

- Ani Dawn, naghihintay din daw siya sa ilalabas na ibedensiya kaugnay dito at tinawanan pa niya ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang kinakaharap na kontrobersiya kasunod ng paglabas niya ng saloobin, pinasalamatan ni Dawn Chang ang mga taong nagpakita ng suporta sa kanya. Minabuti niya ring sagutin ang ilang tweets patungkol sa kanya.

Dawn Chang, naghihintay din daw ng pruweba mula kay Cristy Fermin
Dawn Chang/@thedawnchang
Source: Instagram

Isang Twitter user ang nagtanong sa kanya kung may katotohanan ba raw ang sinabi ni Cristy Fermin na pumatol siya sa ABS-CBN boss para maging artista siya.

Read also

MUP 2021 Beatrice Luigi, inilahad dahilan umano ng hiwalayan nila ni Kate Jagdon

Natawa na lamang ang TV host at pabirong sinagot na naghihintay din siya sa ibedensiya umano nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang pinalagan ng legal counsel ni Cristy Fermin ang inilabas na pahayag ng kampo ni Dawn kung saan humingi sila ng public apology. Humingi din ng public apology ang abogado ni Cristy at nagbigay din ito ng deadline.

Nilinaw niya rin na hindi niya tinanggal ang kanyang mga post sa Facebook. Aniya, na-hack ang kanyang FB at sinusubukan umano nilang ayusin ang kanyang account.

I didn’t. My facebook was hacked and cannot be found. We are working on it.

Si Dawn Chang ay unang nakilala sa Pinoy Big Brother 737 edition noong taong 2015. Siya ang itinanghal bilang Fourth Big Placer noon. Naging miyembro rin siya ng ABS-CBN girl group na “Girltrends.” Naging TV host din siya at naging bahagi ng ilang TV shows.

Matatandaang naging usap-usapan ang kanyang reaksiyon kaugnay sa pagpapakilala ni Toni Gonzaga sa isang tao na umano'y isa sa mga naging daan sa pagpapasara ng ABS-CBN. Kasunod nito ay nagbigay din ng reaksiyon si Cristy Fermin kaugnay dito sa pamamagitan ng kanyang programa. Gayunpaman, pinalagan ng kampo ni Dawn ang umano'y malisyosong komento ni Cristy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel