MUP 2021 Beatrice Luigi, inilahad dahilan umano ng hiwalayan nila ni Kate Jagdon

MUP 2021 Beatrice Luigi, inilahad dahilan umano ng hiwalayan nila ni Kate Jagdon

- Matapos ang pagbahagi niya ng picture kasama ang napapabalitang kasalukuyang karelasyon niya nitong Valentine's Day, umani ng samu't-saring komento si MUP 2021 Beatrice Luigi Gomez

- Minabuti niyang linawin ang mga isyung pinupukol sa kanya kaugnay sa hiwalayan nila ng kanyang dating karelasyon na si Kate Jagdon

- Nilinaw niyang habang nasa Miss Universe Philippines competition pa lamang siya ay nagkakaproblema na sila ni Kate

- Pinili niya umanong manahimik kaugnay sa isyu noon dahil nais niyang mag-focus sa kanyang pageant journey

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Minabuti ni MUP 2021 Beatrice Luigi Gomez na linawin ang mga isyung pinupukol sa kanya kaugnay sa hiwalayan nila ng kanyang dating karelasyon na si Kate Jagdon. Ito ay matapos ang pagbahagi niya ng picture kasama ang napapabalitang kasalukuyang karelasyon niya nitong Valentine's Day.

MUP 2021 Beatrice Luigi, inilahad dahilan umano ng hiwalayan nila ni Kate Jagdon
Miss Universe 2021: Beatrice Luigi Gomez makes it to the Top 16 (@beatriceluigigmz)
Source: Instagram

Para umano sa kanya ay mananahimik na lamang sana siya sa kabila ng mga lumalabas na alegasyon at akusasyon sa kanya. gayunpaman, aniya ay kailangan niya nang magsalita lalo at na tuloy-tuloy na ang aniyang harassment hindi lamang sa kanya kundi maging sa mga taong malapit sa kanya.

Aniya, noon pa lamang mga panahong nasa Miss Universe Philippines competition pa lamang siya ay nagkakaproblema na sila ni Kate. Natuklasan umano niya ang pag-entertain ni Kate sa isang taong nagngangalang Adam.

Bukod dito ay madalas din umano itong umaalis at minsan ay hindi na nakakauwi ng ilang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

When I was on my way to the MUPH competition, after a series of confrontations I learned that she had already been entertaining a person named "Adam" for over a year during our relationship, she's made out with someone, made a move on other girls, and have been going out more often than usual that there were even times she wouldn't come home for days. I wouldn't know where she was or who she was with. I didn't recognize her anymore and things began to change. People warned me about what she's been doing and yet I continued to defend her and even tried my best to make it work.

Narito ang kabuoan ng kanyang pahayag na binahagi niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories.

Si Beatrice Luigi Gomez ang pambato ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 pageant na ginanap sa Israel. Nakilala siya at naging usap-usapan dahil sa kanyang pagiging proud na kasapi ng LGBTQIA+ community. Naging maingay ang lumabas na balitang hiwalay na sila ng dating girlfriend na si Kate Jagdon bago pa man ang Miss Universe 2021 pageant.

Pinalad ang 26-anyos nating pambato na makapasok sa top 5 kung saan maging si Dra. Vicki Belo ay hinangaan siya sa kanyang naging kasagutan sa Q&A.

Bukod kay Beatrice, ipinagmalaki at ikinatuwa ng mga Pinoy pageant fans na ahagi rin ng nasabing pageant ang Kapuso actress na si Marian Rivera bilang isa sa mga hurado. Kinagiliwan ang video ni Marian kung saan nagawa pa niyang turuan ng kanyang dance moves ang kapwa judge na mula naman sa India na si Urvashi Rautela.

Kasama ni Marian ang kanyang mister na si Dingdong Dantes na nagsasabing ok lang siyang maging waterboy at photographer ng kanyang asawa sa pananatili nila pansamantala sa Israel.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel