Barbie Imperial, sinabing siya ang madalas nakikipag-break sa mga nakarelasyon

Barbie Imperial, sinabing siya ang madalas nakikipag-break sa mga nakarelasyon

- Matapos niyang kumpirmahin kamakailan sa publiko ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga, tila mas komportable nang magbahagi ng kanyang saloobin si Barbie Imperial

- Nauna niya na ring sinabi na naghiwalay sila nang hindi magkaaway ni Diego at aniya ay okay sila

- Sa isa pang panayam, ayon kay barbie, siya ang tipo ng girlfriend na hindi basta-basta sumusuko

- Gayunpaman, kapag nararamdaman niya umanong hindi na nag-go-grow ang kanyang karelasyon kasabay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado si barbie Imperial na siya ang nag-initiat ng pakikipaghiwalay sa kanyang mga nakaraang relasyon. Gayunpaman, nilinaw niyang hindi siya yung tipo ng girlfriend na madaling mag-give up.

Barbie Imperial, sinabing siya ang kadalasang nakikipag-break
Barbie Imperial (@msbarbieimperial)
Source: Instagram
“I think I’ve said this before a lot of times already. Hindi ako mabilis mag-give up na girlfriend. But if I feel like the other person is not growing with me, that’s the time I say goodbye na talaga. Kasi para saan pa ako mag-se-stay if parang wala na akong naaambag sa growth mo?”

Read also

Xian Gaza, sinabing ayaw makipagplastikan; handang tumanggap din ng Php 250 million

Matapos niyang kumpirmahin kamakailan sa publiko ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga, tila mas komportable nang magbahagi ng kanyang saloobin si Barbie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging usap-usappan kamakailan ang pagkumpirma ni Barbie tungkol sa hiwalayan nila ng karelasyong si Diego sa loob ng mahigit isang taon. Ito ay matapos ng ilang linggong espekulasyon ng di-umano’y paghihiwalay nila.

Si Carlos Diego Loyzaga o mas kilala bilang Diego Loyzaga ay isang aktor, modelo at video jockey. Anak siya ni Tereza Loyzaga at Cesar Montano. Matatandaang pansamantalang tumigil sa pag-aartista si Diego matapos dumaan sa depresyon. Ito ay nangyari sa kalagitnaan ng seryeng "Los Bastardos" kung saan isa siya sa bida.

Kasunod nito ay inamin din ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon na aniya ay hindi niya inasahan dahil sila ay nagsimula sa pagkakaibigan. Pinasalamatan din ni Barbie si Diego dahil sa pagmamahal at pagpapasaya nito sa kanya.

Kinakiligan ng marami ang mensahe ni Diego kay Barbie na nagpapasalamat sa pagbigay umano nito ng kulay sa huling bahagi ng kanyang 2020.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel