Xian Gaza, sinabing ayaw makipagplastikan; handang tumanggap din ng Php 250 million

Xian Gaza, sinabing ayaw makipagplastikan; handang tumanggap din ng Php 250 million

- Matapang ang naging pahayag ni Xian Gaza patungkol sa umano'y tatanggap ng Php250 million

- Aniya, huwag na raw makipag-plastikan ang iba at maging siya ay maaring tumanggap nito alang-alang sa pamilya

- Dagdag pa niya, ang nasabing halaga ay maaring kitain ng artista sa loob ng ilang taon subalit makukuha lamang ng hindi niya pinangalanan sa ilang buwan lamang

- Matatandaang marami-rami na rin ang umano'y mga naging pasabog ni Xian patungkol sa ilang local celebrities

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa na namang matapang na pahayag ang nabitawan ni Xian Gaza patungkol sa umano'y tatanggap ng halagang Php250 million.

Nalaman ng KAMI na tahasan pang nasabi ni Xian na maging siya ay maari itong gawin at tanggapin para sa kanyang pamilya.

Xian Gaza, sinabing ayaw makipagplastikan; handang tumanggap din ng Php 250 million
Xian Gaza (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Nabanggit din niya na ang naturang halaga ay maaring kitain ng isang artista sa loob ng ilang taon ngunit makukuha lamang ng kanyang tinutukoy sa loob ng ilang buwan.

Read also

Carla Abellana, nagbahagi ng picture kung saan burado na ang kanyang singsing

"Huwag na tayong magplastikan. I will do the same thing for my family,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Yung 250M na kikitain niyo sa showbiz for 5-8 years ay kikitain niyo lang for just a few months. Tapos kapamilya niyo pa... so bakit hindi?"

"Yung 250M na kikitain niyo sa showbiz for 5-8 years ay kikitain niyo lang for just a few months. Tapos kapamilya niyo pa... so bakit hindi?," ang ilan sa mga naging komento ni Xian sa kanyang sarili post.

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa ito at mayroong sariling negosyo.

Read also

Ivana Alawi, CEO na ng sarili niyang skin care line ang 'Ivana Skin'

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, napagsabihan na umano ito ng kanyang kaibigan at kumpare na si Ogie Diaz na bawasan na umano nito ang pagiging 'Marites' lalo na kung wala itong sapat na pruweba.

Nilinaw din ni Ogie D na wala umano siyang kinalaman sa mga post ni Xian kamakailan lalo na ang alaga niyang si Liza Soberano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel