Video ni Xian Gaza na nagdedetalye ng umano'y hiwalayan nina Barbie at Diego, viral na

Video ni Xian Gaza na nagdedetalye ng umano'y hiwalayan nina Barbie at Diego, viral na

- Sa isang mahigit 6-minute video, idinetalye ni Xian Gaza ang umano'y kwento ng hiwalayan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga

- Ito ay matapos na kumpirmahin ni Barbie na tapos na ang relasyon nila ni Diego base sa eksklusibong panayam sa kanya ng ABS-CBN News

- Ayon kay Xian, ayaw ni Barbie na papuntahin si Diego sa Amerika bagay na pinili naman ng lalaki

- Aniya, ito rin ang dahilan kung bakit nasa bahay nina Karla Estrada si Barbie noong Kapaskuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabilis na nag-viral ang video ni Xian Gaza kung saan idinetalye niya ang umano'y kwento sa likod ng hiwalayan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Xian ang nasa 6-minute video ilang oras matapos na kumpirmahin ni Barbie na hiwalay na talaga sila ni Diego.

Read also

Xian Gaza, sinabing ang pamilya ni Karla Estrada ang nag-comfort kay Barbie Imperial

Ayon kay Xian, tutol si Barbie sa pagpunta ni Diego sa Amerika noong Kapaskuhan.

Video ni Xian Gaza na nagdedetalye ng umano'y hiwalayan nina Barbie at Diego, viral na
Xian Gaza (Photo from Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Naging matindi ang pag-aaway ng dalawa tungkol dito hanggang sa humantong sa pagpapapili ni Barbie kay Diego kung pagpunta sa Amerika o siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kinabukasan yung flight ni Diego kaya matindi yung away the night before. 'Pag gising ni Barbie, pagtingin niya sa phone... Alam mo nakita niya? Eto na Mars, pinapili niya kinagabihan 'di ba? 'Pag check niya ng story ni Diego, nasa loob ng eroplano... Pinapili, pinili 'yung Amerika," pagdedetalye ni Xian.

"After noon, hindi na sila nag-usap, buong holiday season, buong January, wala na Mars," dagdag pa niya.

Dala ng matinding sama ng loob, agad namang tumawag umano si Barbie sa kanyang mga kaibigan at isa sa mga ito ay ang kapatid ni Daniel Padilla.

Read also

Barbie Imperial, inaming hiwalay na sila ni Diego Loyzaga

"Depress e, tawag sa mga tropa niya. E isa sa mga tropa niya kapatid ni Daniel Padilla... Kaya nalaman ni Karla Estrada. O ngayon, comfort naman ng pamilya nina Daniel," ani Xian at pinapunta na si Barbie sa tahanan ng mga ito.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa ito at mayroong sariling negosyo.

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, napagsabihan na umano ito ng kanyang kaibigan at kumpare na si Ogie Diaz na bawasan na umano nito ang pagiging 'Marites' lalo na kung wala itong sapat na pruweba.

Nilinaw din ni Ogie D na wala umano siyang kinalaman sa mga post ni Xian kamakailan lalo na ang alaga niyang si Liza Soberano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel