Xian Gaza, sinabing ang pamilya ni Karla Estrada ang nag-comfort kay Barbie Imperial

Xian Gaza, sinabing ang pamilya ni Karla Estrada ang nag-comfort kay Barbie Imperial

- Matapos kumpirmahin ni Barbie Imperial ang hiwalayan nila ni Diego Loyzaga, agad na lumabas ang video ni Xian Gaza

- Sa video, idinetalye ni Xian ang kwento sa umano'y paghihiwalay ng dalawa

- Aniya, ang pamilya nina Karla Estrada ang nag-comfort sa aktres matapos na ito'y iwan umano ng nobyo na nagtungo ng Amerika

- Malapit kasing kaibigan ni Barbie ang isa sa mga kapatid ni Daniel Padilla

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ilang oras matapos ang kumpirmasyon ni Barbie Imperial sa break-up nila ni Diego Loyzaga, agad na lumabas ang 6-minute video ni Xian Gaza ng umano'y detalye ng nasabing hiwalayan.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga naikwento ni Xian ay ang pagkalinga umano ng pamilya nina Karla Estrada kay Barbie matapos malaman ang nangyari sa kanila ni Diego.

Read also

Ogie Diaz, na-prank si Sen. Joel Villanueva na labis na nag-iingat sa COVID-19 para sa pamilya

Xian Gaza, sinabing ang pamilya nina Karla Estrada ang nag-comfort kay Barbie Imperial
Xian Gaza (Photo from Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Ani Xian, dala ng matinding nararamdaman, agad na napatawag si Barbie sa kanyang mga kaibigan at isa na rito ang kapatid ni Daniel Padilla.

"Depress e, depress ang Barbie. Tawag sa mga tropa. E isa mga tropa niya, kapatid ni Daniel Padilla... Nalaman ni Karla Estrada... O ngayon, comfort naman ang pamilya nina Daniel," pagdedetalye ni Xian.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ito ang sinasabing dahilan kung bakit isa sa mga larawan at video ni Karla ay nahagip si Barbie sa kanilang tahanan.

Buong panahon ng Kapaskuhan hanggang ngayong Enero ay hindi na umano nag-usap sina Barbie at Diego ayon kay Xian at kamakailan nga, sa ekslusibong interview ng ABS-CBN News kay Barbie, inamin na nito ang totoong estado ng naging relasyon niya kay Diego.

Narito ang kabuuan ng video:

Read also

'Bitter Len-len' video ni Senator Imee Marcos, usap-usapan online

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa ito at mayroong sariling negosyo.

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Mabilis ding nag-viral ang video ng pagdedetalye niya umano sa hiwalayan nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga.

Sinabi nitong pinapili umano ni Barbie si Diego kung siya ba o ang pagpunta nito sa Amerika na tinututulan ng aktres.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel