Ogie Diaz, na-prank si Sen. Joel Villanueva na labis na nag-iingat sa COVID-19 para sa pamilya

Ogie Diaz, na-prank si Sen. Joel Villanueva na labis na nag-iingat sa COVID-19 para sa pamilya

- Na-prank ni Ogie Diaz si Senator Joel Villanueva sa interview niya rito

- Sa kalagitanaan ng panayam sa senador, biglang nagkunwaring umubo si Ogie at naisipang magpa-COVID test

- Aniya, na-expose daw siya sa taong may COVID-19 kahit hindi ito totoo bagay para lang mapaisip ang senador

- Labis kasing nag-iingat si Senator Villanueva dahil ayaw niyang makapagdala ng virus sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi talaga inaasahan ni Senator Joel "Tesdaman" Villanueva na mapa-prank siya ni Ogie Diaz.

Nalaman ng KAMI na sa kalagitnaan ng interview ni Ogie Diaz sa kanya, bigla siyang naubo.

Ogie Diaz, na-prank si Sen. Joel Villanueva na labis na nag-iingat sa COVID-19 para sa pamilya
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

Maya-maya pa, naghanap ng COVID testing kit si Ogie D at nais niya sanang magpa-test.

Dinagdagan pa niya ito ng pahayag na na-expose raw siya sa taong nagpositibo sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita sa reaksyon ng senador na tila nag-alala pa rin ito ngunit sinabi niyang nakatapos na siya ng 2st at 2nd dose ng vaccine at nakapagpa-booster na rin.

Inalala niya rin si Ogie kung kaya pa nitong ituloy ang interview dahil maari naman daw nila itong ihinto kung hindi na ito komportable.

Bago kasi ang prank ni Ogie D, napag-usapan nila ang labis na pag-iingat ni Sen. Joel sa pagsunod sa mga safety porotocol upang hindi magkaroon ng COVID-19.

Ito ay upang hindi rin siya ang maging dahilan para makapagdala ng virus sa kanilang tahanan lalo na sa kanyang mga anak.

Kaya naman naikwento nitong by schedule lamang ang kanyang pag-uwi sa kanilang tahanan para lang makasiguro sa kaligtasan ng kanyang mga mahal sa buhay.

Kaya naman tila naibsan ito ng sobra ng sabihin ni Ogie na prank lamang iyon.

"Kung may schedule ako na uuwi, 'dun ako medyo malulungkot," paliwanag ng senador dahil mapipilitan siyang mag-quarantine kung nakataon.

Narito ang kabuuan ng video:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Samantala si Joel Villanueva ay nagsisilbing senador ng bansa mula taong 2016. Kilala siya bilang si "Tesdaman" sa pagiging Director General of the Philippine TESDA. Ikalawa siya sa apat na mga anak ni president-founder ng Jesus Is Lord Church Worldwide na si Bro. Eddie Villanueva.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel