Janella Salvador, matagal nang alam na crush siya ni Joshua Garcia noon

Janella Salvador, matagal nang alam na crush siya ni Joshua Garcia noon

- Natanong ni Ogie Diaz si Janella Salvador kung ano ang reaksyon nito sa naibisto ni Daniel Padilla na siya ang celebrity crush ni Joshua Garcia

- Sa lahat ng mga naging leading lady ni Joshua, si Janella raw ang naging crush nito

- Ayon kay Janella, matagal na raw niya itong alam at mabuting magkaibigan sila ni Joshua

- Magiging masaya din daw ang aktor gayung deserve talaga nito ang maging happy

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nakapanayam ni Ogie Diaz si Janella Salvador tungkol sa naibisto kamakailan ni Daniel Padilla kung saan crush daw ni Joshua Garcia ang aktres.

Nalaman ng KAMI na matagal na pala itong alam ng aktres. At hindi na siya nagulat sa naturang rebelasyon.

Janella Salvador sa ibinistong crush daw siya noon ni Joshua Garcia; "Magiging masaya rin si Joshua"
Janella Salvador (@superjanella)
Source: Instagram
"Sinabi naman niya yun sakin dati."

"Nung killer bride pa, he told me. Saka nakita ko din yung ibang interviews niya dati so napag-usapan namin yun ni Joshua dati," ayon sa Kapamilya actress.

Read also

Ogie Diaz sa umano'y hiwalayan nina Janella at Markus: "Ano nga ba ang totoo?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Natuwa ako sa kanya kasi yung pagkasabi niya sa akin he really respects me so, yun yung maganda kay Joshua," dagdag pa ni Janell.

Aniya, 'very good friends' din sila ni Joshua.

"Magiging masaya rin si Joshua, deserve niya 'yun," mensahe ni Janella sa aktor na pumalo na sa mahigit 100 million views ang unang TikTok video.

Narito ang kabuuan ng naging pahayag ni Janella sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Read also

Johnoy Danao, naluha nang magpa-thank you sa kanya si VP Leni Robredo

Isa sa mga napag-usapan kamakailan sa Showbiz Update niya kamakailan ay ang mga larawan ni Seth Fedelin kasama umano si Francine Diaz at pamilya nito. Natanong tuloy ni Ogie Diaz kung nanliligaw nga ba si Seth kay Francine.

Samantala, si Janella Salvador ay isang aktres, endorser at singer sa Pilipinas. Mas nakilala siya sa kanyang cute role sa morning teleserye na “Be Careful With My Heart.”

Siya ay anak ng music artist na si Juan Miguel Salvador at musical actress Jenine Desiderio.

Kasalukuyan siyang nasa masayang relasyon kay Markus Paterson kung saan nabiyayan na sila ng isang baby boy na si Jude Trevor Paterson.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel