Ogie Diaz sa umano'y hiwalayan nina Janella at Markus: "Ano nga ba ang totoo?"

Ogie Diaz sa umano'y hiwalayan nina Janella at Markus: "Ano nga ba ang totoo?"

- Hayagang sinabi ni Ogie Diaz ang bali-balita umanong hiwalay na sina Janella Salvador at Markus Paterson

- Ayon sa kanyang source, tila may anger management issues ang aktor kung nakakainom ng alak

- Wala pa mang kumpirmasyon mula sa magkabilang panig, napansin din ng mga netizens na walang bagong larawan na magkasama ang dalawa

- Diretsahan na ring tinanong ni Ogie sina Janella at Markus kaugnay sa maugong na hiwalayan ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa maiinit na tinalakay nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena sa bagong episode ng Ogie Diaz Showbiz Update ay ang paghihiwalay 'di umano nina Janella Salvador at Markus Paterson.

Ogie Diaz sa umano'y hiwalayan nina Janella at Markus: "Ano nga ba ang totoo?"
Markus Paterson (@markus)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na naging matunog ang bali-balitang ito dahil sa napansin ng mga netizens na wala na umanong mga bagong larawan sina Janella at Markus na magkasama.

Read also

Isko Moreno sa mga 'pula', 'dilaw' at 'pink': "Tuldukan na natin ang away nila sa Mayo 9"

"Ang narinig ko lang Loi, ang narinig ko lang ay matagal nang hiwalay si Janella Salvador at si Markus Patterson. Hindi naman taon, mga ilang buwan na,"
"Narinig ko ito Loi na medyo itong si Janella Salvador ay nagkakaroon ng problema kay Markus Patterson,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"May drinking habit. 'Yan ang narinig ko.... Madalas na umiinom ng alak. Na kapag nakakainom ng alak e nagkakaroon ng anger management problem," pahayag ni Ogie D.

Gayunpaman, tatanungin pa rin ni Ogie Diaz si Janella Salvador kung gaano katotoo ang balitang ito at maging ang panig ni Markus ay nais din nilang matanong para malaman mismo sa kanila ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Narito ang kabuuan ng kanilang kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Read also

Ogie Diaz sa crowd estimate ng "Quezon is Pink" rally: "Grabe yung mga tao! Umabot ng 80k!"

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Samantala, si Janella Salvador ay isang aktres, endorser at singer sa Pilipinas. Mas nakilala siya sa kanyang cute role sa morning teleserye na “Be Careful With My Heart.”

Siya ay anak ng music artist na si Juan Miguel Salvador at musical actress Jenine Desiderio.

Kasalukuyan siyang nasa masayang relasyon kay Markus Paterson kung saan nabiyayan na sila ng isang baby boy na si Jude Trevor Paterson.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel